Ang dapat unahin
August 13, 2006 | 12:00am
Sa maraming paksa na ditoy nabasa
ang reaksiyong ito ay medyo huli na;
Bagaman at huliy di naman bilasa
babasahin pa rin ng mahal kong madla!
Kaya naatrasoy tinimbang-timbang ko
saan ipapalo hawak na latigo?
Ito bay sa OWWA na nagtatrabaho
o sa mabubunying tao sa Senado?
Matagal-tagal nang sumiklab ang digma
doon sa Middle East at tayoy nabigla;
Mga Pilipinong dooy manggagawa
dapat lang iuwi sa sariling bansa!
Gobyernoy kumilos at ang evacuation
kahit mapanganib hindi umuurong;
Ngunit sa Senadoy may mga marunong
at pera ng OWWA ang itinatanong!
Tanong na nang tanong hindi alintana
ang mga evacuees na nagsisiluha;
Ang bagsak ng missile saan man tumama
natatakot silang buhay ay mawala!
Kaya sa Lebanon na ngayoy magulo
inililikas na libong Pilipino;
Pero bakit kaya sa ating Senado
ay iba ang pakay ng iisang tao!
Kung nawawala nga ang pera ng OWWA
saka na hanapin kung wala nang gyera;
Ang maghanap ngayoy nakapagtataka
kahit na nga paslit ay tatawanan ka!
Kunway nagtatanong mga mambabatas
hindi nila pansin bombang pumapatak;
Kung ang missile kayay sa inyo bumagsak
sinong magtatanong - eh wala nang lahat!
Kaya panawagan sa ating Senado
itong sitwasyoy unawain ninyo;
Huwag munang hanapin pera ng gobyerno
unahing iligtas ang buhay ng tao!
ang reaksiyong ito ay medyo huli na;
Bagaman at huliy di naman bilasa
babasahin pa rin ng mahal kong madla!
Kaya naatrasoy tinimbang-timbang ko
saan ipapalo hawak na latigo?
Ito bay sa OWWA na nagtatrabaho
o sa mabubunying tao sa Senado?
Matagal-tagal nang sumiklab ang digma
doon sa Middle East at tayoy nabigla;
Mga Pilipinong dooy manggagawa
dapat lang iuwi sa sariling bansa!
Gobyernoy kumilos at ang evacuation
kahit mapanganib hindi umuurong;
Ngunit sa Senadoy may mga marunong
at pera ng OWWA ang itinatanong!
Tanong na nang tanong hindi alintana
ang mga evacuees na nagsisiluha;
Ang bagsak ng missile saan man tumama
natatakot silang buhay ay mawala!
Kaya sa Lebanon na ngayoy magulo
inililikas na libong Pilipino;
Pero bakit kaya sa ating Senado
ay iba ang pakay ng iisang tao!
Kung nawawala nga ang pera ng OWWA
saka na hanapin kung wala nang gyera;
Ang maghanap ngayoy nakapagtataka
kahit na nga paslit ay tatawanan ka!
Kunway nagtatanong mga mambabatas
hindi nila pansin bombang pumapatak;
Kung ang missile kayay sa inyo bumagsak
sinong magtatanong - eh wala nang lahat!
Kaya panawagan sa ating Senado
itong sitwasyoy unawain ninyo;
Huwag munang hanapin pera ng gobyerno
unahing iligtas ang buhay ng tao!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest