^

PSN Opinyon

Ano ang dapat gawin kapag may arthritis?

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
SUMULAT sa akin si Mr. Rodante Santos, 40 taong gulang at nagtatanong tungkol sa arthritis. Nakararamdam daw siya ng pamamanhid ng kanyang hinlalaki lalo na sa umaga. Pero hindi naman gaanong masakit. Naghihinala siya na iyon ay arthritis. Maaari ko raw bang ipaliwanag kung ano ang arthritis at kung ano ang mga uri nito. Sabihin ko rin daw ang mga bawal na pagkain sa may arthritis.

Para sa kaalaman mo Rodante at sa iba pang nagtatanong tungkol sa arthritis, ito ay may dalawang uri: ang osteoarthritis at ang rheumatoid.

Ang osteoarthritis ay pinaniniwalaang degenerative disease na na-develop dahil sa pagkapunit ng cartilage sa kasu-kasuan. Ang cartilage o "gristle" ang nagpo-provide ng malambot na surface sa mga buto para mag-slide at maayos ang paggalaw. Kapag ang cartilage ay napunit o na-damaged, mag-kikiskis ang mga buto at mararamdaman ang grabeng sakit at paninigas lalo na kung malamig ang panahon.

Sa mga may osteoarthritis, nararapat magbawas ng pagkaing mayaman sa mantika, mga processed foods, matatamis at maalat. Dagdagan ang pagkain ng sariwang gulay at prutas.

Lahat ay maaaring magkaroon ng rheumatoid arthritis. Karaniwang namamaga sa mga may rheumatoid arthritis ang mga kasu-kasuan ng daliri sa kamay at mga paa. Karaniwang nagkakaroon nito ay mga taong may edad 25 at 55.

Makatutulong nang malaki ang regular exercise sa mga may arthritis.

ARTHRITIS

DAGDAGAN

KAPAG

KARANIWANG

LAHAT

MAAARI

MAKATUTULONG

MR. RODANTE SANTOS

NAGHIHINALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with