^

PSN Opinyon

Aircraft going to US of A maraming bawal

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
GRABE as in grabe totoo talaga mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa NAIA. Sabi nga, hindi biro!

Nagulantang kasi ang MIAA officials nang mabalitaan nilang magpapasabog ng aircraft ang grupo ng mga bandidong terorista na pupunta sa US of A. Buti na lamang at nasilat ito ng Scotland Yard ng Great Britain kasi bihasa ang grupong ito sa paniniktik et cetera.

Sabi nga, dito galing si James Bong este mali Bond pala a.k.a agent 007, he-he-he! Para sa mga kuwago ng ORA MISMO, hindi problema ang mga banta ng seguridad sa paliparan dahil magagaling todits ang mga travel agents este mali intel networking pala ng mga agents U-2-10.

Sa lahat ng airport sa buong mundo, isa ang NAIA na pinaka-safe na paliparan kahit alaws itong sophisticated equipment. Ika nga, amoy lang ng baktol nagkakatalo na!

Dapat sa NAIA magpakadalubhasa ang mga magagaling daw na security sa US of A at Great Britain dahil dehins makalusot ang mga terorista todits. Tama ba, MIAA general manager Al Cusi and General Angel Atutubo? Salisi at cell phone gang lang ang sumisisiw sa mga security guards todits, he-he-he!

Pinagbabawal din sa mga departing passengers especially sa mga papuntang Tate na magdala ng mga liquid, gel, shaving cream, suntan lotion, toothpaste, pabango et cetera pero pinagtatalunan ng mga bright boys sa airport kung ang LACTACYD ay bawal din sa hand-carried baggage. Bakit kaya?

Lahat ng mga ito ay puwedeng dalhin kung nasa check-in baggage. Baka sa kalaunan ang mga pasaherong pupunta sa Tate ay nakasuot na lamang ng brief, bra at panty. Puwedeng mangyari ito, di ba mga Sirs?

Ang mga nabibiling pang-inom tulad ng mineral water, juices, softdrinks ay dapat ubusin ng isang pasahero bago pumasok ng airplane. Puwedeng ipasok sa loob ng eroplano ang insulin sa mga pasaherong may sakit na diabetes, baby formula at iba pang ga-mot na iinumin ng isang may sakit na pasahero pero dapat may dalang prescription at naka-pangalan sa kanila katulad ng dala nilang airline ticket.

Sa dami ng dadaanang inspection kailangan ang pasaherong sasakay ng eroplano papuntang Tate sa NAIA ay mag-check-in ng three to four hours prior sa kanilang departure.

‘‘Hindi baleng maraming bawal basta buhay silang darating sa Tate,’’ sabi ng kuwagong sepulturero.

‘‘Wala naman problema ito kung tutuusin dati ng ginagawa ito sa NAIA kaya lang humihingi ang MIAA management dahil sa hassle,’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ok lang sa amin ang higpit basta safe kaming makakalipad sa port of origin at lalapag sa port of destination ng alaws aberya,’’ natutuwang sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Ngayon kamote ano ang masasabi mo?’’

‘‘Alaws na sinabi mo nang lahat!’’

AL CUSI AND GENERAL ANGEL ATUTUBO

ALAWS

BAKIT

BUTI

GREAT BRITAIN

JAMES BONG

PUWEDENG

SABI

SCOTLAND YARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with