^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Dayaan sa nursing exam halukayin nang husto

-
KUNG kailan pa in-demand sa ibang bansa ang mga Pinoy nurses saka naman umalingasaw ang baho ng dayaan sa nursing board exam. Napakasama nang nangyari sapagkat mismong ang mga miyembro ng Professional Regulations Commissions-Board of Nursing (PRC-BON) ang nagkumpirma na nagkaroon talaga ng dayaan sa nakaraang exam noong June 11 and 12 sa Baguio City. Ayon kay Eufemia Octaviano, chairwoman ng PRC-BON, ini-release ang mga leakage questions bago ang examination date.

Humarap sina Octaviano sa Senate inquiry na pinamumunuan ni Sen. Rodolfo Biazon. Nag-offer sina Octaviano na magresign sa puwesto. Hindi naman dumalo ang iba pang mga opisyal ng PRC na ipinatawag ng Senado. Idinahilan ng mga opisyal ang Executive Order 464 na nagbabawal sa mga executive official na dumalo sa mga congressional inquiries.

Lumabas na ang baho sa exam ng nursing at malaking batik ito sa propesyong inaasahan pa naman ng Pilipinas na maghahakot ng dollar patungong Pilipinas. Isa ang nursing sa mga propesyong kailangang-kailangan sa abroad. Tinalo pa ng mga nurses ang doktor sa pagiging in-demand sapagkat ang mga doktor ngayon ay nagsisipag-aral ng nursing para lamang makapagtrabaho sa abroad. Mahigpit ang pangangailangan ng nurses sa United States at Canada. Mas gusto ng mga Amerikano at Canadian ang mga Pinoy nurses sapagkat mahusay magtrabaho at responsible. Madali ring makipag-communicate sapagkat bihasa sa English. Hindi lamang sa US at Canada in-demand ang mga Pinoy nurses kundi pati na rin sa Middle East.

Sa nangyaring dayaan sa nakaraang nursing exam, nagkaroon ng bahid ang propesyon. Maaaring magkaroon ng epekto ito sa pagkilala ng mga dayuhan sa mga Pinoy nurses. Maaaring mabawasan ang pagkilala at mabaling sa ibang nationalities. Maaaring isipin ng mga dayuhan na nandaya lamang ang kinuha nilang nurse sa Pilipinas. At delikado ang kalagayan ng pasyente sa isang nandaya o "pekeng" nurse.

Halukayin at laliman pa ang imbestigasyon sa konrobersiyal na nakaraang nursing board exam. Pagbayarin ang "utak" at mga kasama niya para hindi na ito maulit. Nakahihiya kung ang ipadadalang nurses sa ibang bansa ay hinango sa "daya".

BAGUIO CITY

EUFEMIA OCTAVIANO

EXECUTIVE ORDER

MAAARING

MIDDLE EAST

NURSES

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with