Ang Ebanghelyo para sa araw na ito ay isang pagkilala sa pananalig ng isang Cananea (Mt. 15:21-28).
Umalis doon si Jesus at nagpunta sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon. Lumapit sa kanya ang isang Cananeang naninirahan doon at malakas na sinabi, "Panginoon, Anak ni David, mahabag ka po sa akin! Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihirapan." Ngunit gaputok may hindi sumagot si Jesus. At lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, "Pagbigyan mo na nga po at nang umalis. Siyay nag-iingay at laging sumusunod sa atin." Sumagot si Jesus, "Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo." Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at ang sabi, "Tulungan mo po ako, Panginoon." Sumagot si Jesus, "Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta." "Tunay nga po, Panginoon," sagot ng babae, "ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon." Sinabi sa kanya ni Jesus, "Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyari ang hinihiling mo." At noon diy gumaling ang anak ng Cananea.
Bagamat ang Cananea ay hindi bahagi ng sambayanan ng Israel na kung saan sinugo si Jesus sa kanyang misyon, sa kagustuhan ng Cananeang mapagaling ang kanyang anak, lakas-loob niyang nilapitan si Jesus. Batid ng Cananea na may kapangyarihan si Jesus na magpagaling ng mga maysakit at siyay nananalig na gagaling ang kanyang anak kung gugustuhin ni Jesus. Para sa Cananea, walang hindi mangyayari kapag mataimtim na idinulog kay Jesus ang kanyang kahilingan hinggil sa kalagayan ng kanyang anak.
Katulad din kaya ng pananalig ng Cananea ang ating pananalig kay Jesus?