^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa mga manlolokong immigration consultancy!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAGKALAT ngayon ang mga immigration consultancy na nagbibigay ng kanilang mga serbisyo sa mga kababayan nating pupunta sa ibang bansa.

Merong mga immigration consultancy na sumusunod sa uri ng kanilang negosyo at trabaho subalit marami rin na katulad nila na hinaluan ng kalokohan.

Katulad na lamang ng isang immigration consultancy na inerereklamo sa BITAG na hindi muna namin papangalanan dahil patuloy na tinututukan at iniimbestigahan ng BITAG ang reklamong ito.

Dahil sa kagustuhan ng immigration consultancy na ito na maipaliwanag ang kanilang bersyon binigyan namin sila ng pagkakataon.

At makipag-ayos sa nagrereklamo, subalit sa halip na solusyon ang mangyayari hindi pagkakaunawaan na kinalabasan.

Ang kahilingan ng nagrereklamo na maibalik ang kanyang perang ibinayad kahit pa ibawas ang kanyang limang araw na seminar, na nahinto dahil sa tapos na pala ang kontrata ng immigration consultancy na ito sa ka-tie-up nilang eskuwelahan na pag-aaralan bago pa man makapunta ng Europe.

Nagbayad ang nagrereklamo ng $400 para sa kan-yang training at pag-aaral at P80,000 para naman sa processing fee.

Ngunit nagbago ang isip ng aplikante kaya’t binabawi n’ya ang kanyang perang binayad subalit ayon sa immigration consultancy mababawi lang nila yung pera kung pati mga kasama n’ya makipagtulungan sa kanila.

Ganoon daw ang proseso, e paano yung iba na patuloy na umaasa at ayaw magrereklamo dahil nakuha nila sa kanilang pangako.

Napag-alaman ng BITAG na hindi la-mang ilan ang may ganitong reklamo patuloy ang pagdami ng mga nagrereklamo sa kabuuan humigit kumulang sa 300 ang nakapagbayad na sa immigration consultancy na ito.

Depensa pa ng kinatawan ng kompanyang ito na hindi raw sila recruitment agency, immigration consultancy lang daw sila, eh bakit napag-alaman naming nagre-recruit at nagpapaalis sila patungo ng ibang bansa.

Kaya kung may mga immigration consultancy kayong alam na katulad ng ganitong estilo o kaya naman ay isa kayo sa nabiktima ng ganitong panloloko huwag magdalawang isip na lumapit sa BITAG.

Sa kasalukuyan pinag-aaralan at iniimbestigahan ng BITAG ang kasong ito pansamantala naming hindi ilalabas ang pangalan ng naturang kompanya subalit sa susunod hindi kami magdadalawang isip na ilabas ang pangalan ng inyong kompanya.

Patuloy ang binibigay na babala ng BITAG sa mga kababayan nating mangingibang bansa na mag-ingat at huwag magpaloko sa immigration consultancy.
* * *
Hotline number (0918) 9346417 / (0927) 8280973 o tumawag sa mga numero 932-5310 at 932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 a.m. At panoorin ang programang ‘‘BAHALA SI BITAG" Monday-Friday 9:00-10:30 a.m. sa UNTV 37.

BITAG

CONSULTANCY

DAHIL

DEPENSA

GANOON

IMMIGRATION

MONDAY-FRIDAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with