^

PSN Opinyon

Konstitusyon nakatali sa interes ng America

SAPOL - Jarius Bondoc -
ALAM n’yo bang nililimita ng 1987 Constitution ang mga industriya natin sa handicraft lamang na pang-agrikultura, imbis na sa steel at makinarya?

Oo, may probisyon ang Konstitusyon na nagsasaad na ang paglago ng industriya ay dapat nakatali sa agrikultura o agrarian reform. Kakaiba ito, dahil ang industrialization ng mga mauunlad na bansa ay buhat sa bakal na ginagamit sa makina – tren, barko, eroplano, kotse, baril, skyscrapers, at makinang gumagawa ng iba pang makina. Kapag lumihis sa alitutuntuning ito ang industriya sa Pilipinas, ani nationalist economist Alejandro Lichauco, maaring ituring na labag sa Konstitusyon – o bawal – ang patakaran.

Itinuturo ni Lichauco, sa libro niyang Hunger, Corruption and Betrayal in the Philippines, ang probisyon. Ito’y ang ikalawang paragraph ng Section 1, Article XII (National Economy and Patrimony), na nagsasabi:

"The State shall promote industrialization and full employment based on agriculture and agrarian reform through industries that make full and efficient use of human and natural resources, and which are competitive in both domestic and foreign markets. However, the State shall protect Filipino enterprises against unfair foreign competition and trade practice."

Gigil sa probisyon si Lichauco, delegado sa 1971 constitutional convention na umakda ng 1973 Constitution (nag-"no" siya). Kinumpara niya ang nanlulupaypay na Pilipinas sa mga tiger economies ng Asya na umunlad dahil sinulong ang industriya mula sa bakal at makina. Nakakagawa ng barko at bullet train ang Japan at Korea; ang India, riles; ang Malaysia, buntot ng jumbo jets. Pero ang Pilipinas, miski kutsilyo lang, hindi pa magawang mabuti – at ang materyales ay galing sa lumang muwelye ng kotse imbis na high-tempered steel mula pabrika.

Sinisi ni Lichauco sina Bernardo Villegas at Christian Monsod sa pagsingit sa probisyon sa 1987 Constitution. (Si Monsod ngayon ang hepe ng One Voice, na kumakalaban sa reporma sa Konstitusyon.

ALEJANDRO LICHAUCO

BERNARDO VILLEGAS

CHRISTIAN MONSOD

CORRUPTION AND BETRAYAL

KONSTITUSYON

LICHAUCO

NATIONAL ECONOMY AND PATRIMONY

ONE VOICE

PILIPINAS

SI MONSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with