Madali lamang patubuin ang patola. Anim na kilong binhi ang kailangan para matamnan ang isang hektaryang lupa. Dapat na isang dipa ang distansya kapag magtatanim ng mga seed. Lalong tataba ang patola kapag tinanim sa lupa na may organic fertilizer. Kung Nobyembre hanggang Enero dapat magtanim at makaraan ang tatlong buwan ay puwede nang anihin ang patola.
Ang patola ay isa ring halamang-gamot. Ang katas ng dahon ng patola ay iginagamot sa sore eyes. Ang katas ay ipinapahid din sa sugat at kagat ng mga makamandag na hayop gaya ng ahas, aso, alakdan at iba pang insekto.
Mayaman naman sa protina ang monggo. Bagamat kontra ito sa may mga arthritis, rayuma, pananakit ng mga kasukasuan at bukong-bukong, masarap kainin ang mga ulam na nilalahukan ng monggo. Mahalaga ang monggo sa pagpapasigla ng muscle at joints dahil itoy isa ring fiber food.
Mayaman sa anti-oxidants ang kabute, lalo na ang oyster mushroom. Ayon sa ulat ng Institute of Food Technology sa Orlando, Florida, USA, taglay ng kabute ang panlaban sa mga tinatawag na free radicals na pinagmumulan ng sakit sa puso at kanser.