^

PSN Opinyon

Doktor na nagkasakit habang naglilingkod

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NAGSIMULA ang serbisyo ni Rona bilang residenteng doktor sa government hospital noong January 1, 1979. Makalipas ang 11 taon, nahirang siya bilang Medical Officer III. Dahil sa kanyang trabaho, nalantad ang katawan niya sa maraming sakit kaya noong 1994, nagsimula nang magkaroon si Rona ng alta presyon. Sariling paggamot ang kanyang ginawa sa tulong na rin ng kanyang asawa.

Noong 1998, nakaranas naman si Rona ng matinding pagkapagod at kawalan ng gana sa pagkain na nagdulot ng pagbaba ng kanyang timbang. Sa takot ni Rona na malubha na ang kanyang sakit, dinala siya ng kanyang asawa sa ospital. Sa unang pagsusuri ay napag-alamang may problema siya sa bato kaya inirekomendang sumailalim siya sa hemodialysis dalawang beses isang linggo. Hindi nagtagal, naging konklusyon na nasa huling estado na si Rona ng sakit na chronic glomerulone- phritis. Batay sa sertipiko ng doktor ni Rona, ang sanhi ng kanyang karamdaman ay streptococcal infection.

Noong March 1, 1999, sumailalim si Rona sa isang kidney transplant kung saan ang kanyang donor ay ang kapatid na lalaki.

Noong September 16, 1999, hiniling ni Rona sa GSIS ang kanyang benepisyo sa ilalim ng PD 626 o Employees Compensation Act. Subalit hindi ito iginawad ng GSIS. Sinang-ayunan ito ng Employees Compensation Commission at ng Court of Appeals dahil (1) ang sakit daw ni Rona ay hindi kabilang sa listahan ng occupational diseases at (2) hindi naipakita ng medikal na paliwanag na ang sanhi ng sakit ni Rona ay mula sa mga kondisyon ng kanyang trabaho. Bukod dito, hindi rin pinatunayan ni Rona na ang kanyang sakit ay dulot ng panganib sa kondisyon ng kanyang trabaho. Tama ba ito?

MALI
.
Ang matagal na serbisyo ni Rona sa nasabing ospital ay nagdulot sa kanya ng panganib na mahawa ng sakit at makakuha ng germs at bacteria na dahilan ng pagkakaroon niya ng glomerulonephritis. Walang duda na ang matagal na oras niyang inilalagi sa ospital ang dahilan upang magkaroon ng impeksyon mula sa streptococcus bacterium na isang probabilidad nang pagkakaroon ng malubhang glomerulonephritis .

Ayon sa "increased risk theory", kinakailangan lamang ang substantial evidence sa isang may katwirang isipan upang suportahan ang isang konklusyon. Hinihingi ng batas na sapat na ang trabaho ay may koneksyon sa sakit at hindi na kinakailangan ang direktang relasyon nito. Ang paghingi ng benepisyo ay sapat nang batay sa probabilidad na dahilan at hindi batay sa tiyak na dahilan.

Ang Workmen’s Compensation Law ay patuloy na pumapabor sa mga manggagawa. Ito ay isinasaad din ng 1987 Constitution. Kaya, dapat na bayaran ng GSIS si Rona ng Compensation benefits sa ilalim ng PD 626, as amended (Castor-Garupa etc. vs. Employees’ Compensation Commission, et al. G.R.158268, April 12, 2006).

ANG WORKMEN

COMPENSATION COMMISSION

COMPENSATION LAW

COURT OF APPEALS

EMPLOYEES COMPENSATION ACT

EMPLOYEES COMPENSATION COMMISSION

KANYANG

RONA

SAKIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with