Ex-cabinet sec. biktima ng land-grabbers
August 5, 2006 | 12:00am
MASARAP mabuhay sa sariling bayan lalo na kung may sarili kang lupang kinatatayuan ng iyong tahanan. Pero papaano kung ang lupaing nakatitulo sa iyo ay puwedeng agawin ng iba? Dapat mag-ingat ang lahat ng may-ari ng lupa at baka sila mabiktima ng mga mangangamkam ng lupain. Dito sa ating bansa, hindi seguridad ang titulo. Kung inaakala mong matatag ang kabuhayan mo porke may lupain ka, better think again.
May malaking sindikato ng land-grabbers na protektado ng mga tiwaling public officials. Nambibik- tima ng mga inosenteng land owners lalo na sa Cavite at Tagaytay. Nakakakulo ng dugo! Kapag nakursunadahan ang lupain mo, magsasampa sila ng kaso at palalabasing iskwater ka at sila ang lehitimong may-ari.
Walang sinasanto ang sindikato. Kahit bigatin at may sinabi ay hindi pinalalampas. Isang kaibigan ko na dating cabinet secretary at bantog na medical practitioner ang mismong naging biktima ng mga hunghang na ito. Hindi ko muna sasabihin ang pangalan niya.
May lupain siya malapit sa Tagaytay Highlands. Titulado ang lupa at regular siyang nagbabayad ng amilyar. Laking gulat niya nang isang araw, may demanda siya na kinukuwesyon ang kanyang pag-aaring lupa. Im sure hindi maglalakas loob ang mga gagong ito kung walang kapit "sa itaas". Malamang, protektado sila ng mga impuwensyal na tao sa hudikatura.
Ayon sa kaibigan ko, may isang "justice" na nasa likod ng sindikato. Siya umano ang instrumento para mabaluktot ang batas at magpalabas ng desisyong nagpapawalang-bisa sa titulo. Kay sagwang sistema. Malaking paglapastangan ito sa justice system. Pag-yurak din ito sa karapatan ng tao, lalo na yung mga landowners na naghirap para magkaroon ng property para lang kakamkamin ng mga alagad ng demonyo.
Anang kaibigan ko, di man lang siya pinatawag ng hukuman para hingan ng panig o makapagharap ng mga ebidensya at testigo na siya ang legal na may-ari ng lupa. Anoh? Ganyan na ba kung itrato ng ating batas ang mga mamamayan? Kung puwedeng gawin iyan sa isang prominenteng taong gaya ng kaibigan ko, paano pa mapo-proteksyunan ang mga ordinaryong ma-mamayan?
Samantala, kahit walang ebidensya ang mga gunggong na ito o ni kapirasong papel na magpapatunay na kanila ang lupa, sila ang pinapaboran ng hukuman. Bakit? Nasaan na ang katarungan?
Email me at [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended