^

PSN Opinyon

Rebolusyon kung walang Cha-cha

SAPOL - Jarius Bondoc -
MAY item sa salaysay ni Magdalo Lt. Lawrence San Juan na hindi pansinin ng mga imbestigador. Ito ‘yung pag-handle niya ng presentasyon ng mga programa sa mga elders at recruits ng rebeldeng grupo nu’ng 2005, habang dapat siyang nakakulong noon sa kampo dahil sa 2003 Oakwood Mutiny. Aniya, de-kahon ang presentasyon, pero siningitan niya ng maikling film documentary tungkol sa hinahangaan nilang si Hugo Chavez.

Sino ba itong si Chavez at bakit siya ini-idolo ng Magdalo? Siya ay dating military officer na kasalukuyang Presidente ng Venezuela. Una siya sumubok sa pulitika nu’ng 1992 sa pamamagitan ng tangka – at natalong – kudeta. Kinulong siya, pero ang presidenteng kinudeta ay na-impeach nu’ng 2003, at nakalaya si Chavez nu’ng 1994. Binayani siya sa mahihirap dahil sa pagkontra sa katiwalian. Umanib siya sa maka-Kaliwang partido at nanalong Presidente nu’ng 1998 at nu’ng 2000. Nu’ng 2003 sinubukan ikudeta si Chavez. Nang madurog ang kalaban, pinagbintangan niya ang America ng pakanang pagpapabagsak sa kanya. Kinumpiska niya ang mga pribadong industriya, winasak ang oposisyon, at naglunsad nang maraming programa para sa maralita – pero palpak lahat. Matapos ipanalo ang referendum ng 2004, napalapit si Chavez kay Fidel Castro ng Cuba at kay Evo Morales ng Bolivia, isang dating nagtatanim ng cocaine.

Tinutularan ng Magdalo si Chavez. Pinag-aaralan ang kanyang pag-angat, paglatag ng diktadurya, at paglunsad ng umano’y rebolusyon para sa maralita. Hinahangaan nila ang popularidad ni Chavez. Nakakakilabot na nais nila itatag ang diktadurya sa Pilipinas sa ngalan din ng mahihirap. Pero aabuso at magpapayaman din sila tulad ni Chavez.

Nakakabahala lalo na malapit nang mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa Venezuela. Disgustado na ang masa sa Venezuela sa sistema nila kaya humalal ng sundalong naging diktador. Kasi, ayaw baguhin ng elite ang sistema sa paraang constitutional reforms. Gan’un ngayon sa Pilipinas, kung saan ang mayayaman, sa pamamagitan ng One Voice, ay gumugugol ng P260 milyon para siraan ang Charter change.

CHAVEZ

EVO MORALES

FIDEL CASTRO

HUGO CHAVEZ

LAWRENCE SAN JUAN

MAGDALO

MAGDALO LT

OAKWOOD MUTINY

ONE VOICE

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with