Tunay na kayamanan
August 3, 2006 | 12:00am
Depende sa katayuan ng tao, sa kanyang kinagis-nan, karanasan at patakaran sa buhay ang mga bagay-bagay na kanyang itinuturing na kayamanan. Karaniwan, sa mga magulang, ang itinuturing nilang kayamanan ay ang kanilang anak o mga anak. Para naman doon sa nagbibigay-halaga sa hanapbuhay, ang itinuturing nilang kayamanan ay ang kanilang trabaho. Sa mga mayaman na ay ang kanilang salapi at ari-arian.
Para naman sa mga nagkaka-edad o kahit na mga bata pa na nagnanais ng mahabang buhay, ang pinapahalagahan nila ay ang kanilang kalusugan. Kung kayat malaki ang kanilang pagpapahalaga sa kawikaang, "Ang kalusugan ay kayamanan," at sa ganoon ay ginagawa ang mga tamang pag-aalaga sa katawan sa pamamagitan ng mga pag-eehersisyo, tumpak na pagkain at tamang oras ng pagtulog, paglilibang at iba pa.
Datapwat lahat ng mga nabanggit sa itaas, kung tutuusin, ay napapailalim sa mas nakatataas at nakahihigit na pagpapahalaga: Ang paghahari ng Diyos. At ganito ang sinasabi ni Jesus na naitala sa Ebanghelyo ni Mateo 13:44-46.
"Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laki ng tuwa, siyay humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.
"Gayon din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: May isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siyay humayo at ipnagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon."
Samakatuwid, ang ating buhay dito sa mundo ay higit na magiging maka- buluhan kung bibigyan-pansin natin ang tunay na kayamanan: Ang pagha-hari ng Diyos. Ito ang kayamanang hindi naaagnas, hindi mawawala at ating kinakailangan hanggang sa kabilang buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended