^

PSN Opinyon

Ibalik natin ang karangalan ng bayan - 2

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
WALA tayong ginawa kahit na malinaw na ang pandaraya ay buking na buking, katotohanan nito narinig pa nating lahat ang "Hello Garci" tape na hindi kayang ikaila at iba pang mga ebidensya na pinigilan ng mga kaalyado ng Malacañang na mailabas sa Kongreso sa pamamagitan ng pagpatay sa impeachment proceedings.

Ang balitang itong lord ng mga mandaraya ay hindi lang namili ng boto na gamit ang pera ng sambayanan kung hindi ginamit pa ang pondo ng bayan sa pagmamanipula at pagmanufacture on a grand scale ng resulta ng eleksyon ay hindi tsismis lamang. It is a fact.

Pero ano ang ginagawa natin? Wala. Mauupo tayo sa isang tabi at mananahimik. Have we really become that pathetic as a people that we think we don’t deserve better leaders. We are not better than battered wives who cannot leave their good for nothing husbands because they don’t think they deserve better spouses.

Kayo mga miyembro ng Rotary ay pinagmamalaki na adherents ng Four Way Test, pero sinusunod n’yo ba ito?

Si Jocelyn "Jocjoc" Bolante ay palagiang magsisilbing alaala kung paanong walang ginawa ang mga taga-Rotary sa kanyang pagyurak sa bayan. Nanood ang mga kasamahan niyang Rotarians habang ang architect ng P750 million fertilizer scam ay ginamit ang kanyang puwesto sa Rotary upang magtago at iwasan ang katotohanan.

Mabuti na lang at kumilos ang gobyerno ng Estados Unidos na nag-cancel ng kanyang visa. Sa kasalukuyan siya’y nakakulong sa US at humihirit pa ng political asylum.

Madalas pumasok tuloy sa ating isipan na wasak talaga ang ating culture at baluktot ang pagkakaintindi natin sa tama at mali. Nababaligtad yata natin.

Dahil kung hindi, paano natin ide-describe ang ginagawa na kesa kondenahin ang mga gawaing ilegal ay purihin pa ang isang magnanakaw, mandaraya ang sinungaling. Ang payagan siyang patuloy na magsinungaling, magnakaw at mandaya at ngayon ay nag-imbento pa ng accomplishments na pawang walang katotohanan.

Napakalaki ng suliranin natin bilang isang bansa at lahi kung saan ang isang magnanakaw ay tinatawag nating HONORABLE samantalang ang mga nagmamahal sa bayan at puno ng idealismo ay tinatawag na DESTABILIZERS.

Napapanahon na upang tayo ay gumising at pigilan ang kahibangang nangyayari sa ating bayan. Kailangan nating bumangon sa bangungot na ito upang ibalik natin ang pride and sense of nation.

Si Lito Banayo, my mentor and dear friend at parang nakakatandang kapatid at isa ring kasamahan sa industriya ng media ay may binanggit sa kanyang column tungkol sa isang pangyayari sa isang dating kakampi ni dating Pangulong Erap na nagtaksil sa kanya at sumama sa EDSA 2.

Nangyari ang insidenteng ito matapos ang tinatawag nating EDSA 3 kung saan ang tunay na masang Pilipino ang nagmartsa papuntang Malacañang. Nangyari rin ito matapos pagbabarilin ng mga snipers at sundalo ni Madam Senyora Donya Gloria na gagawin ang lahat hindi lang siya maalis sa Malacañang.

Itong dating kakampi ni Erap kasama ang isang babae ay nagtungo sa isang restaurant kung saan hindi siya pinansin ng mga waiters at waitresses. Matindi nito, nasa isang kanto pa ang mga waiters at waitresses na walang pinagsisilbihang iba at nakatingin sa kanila ng masama.

Pagkaraan ng ilang minuto, lumapit din ang isang waiter at pabatong inabot ang menu sa dating kaalyado ni Erap. Napahiya ang dating opisyal na ito at umalis na lamang kasama ang babae.

Ganoong paraan ng paglaban ang hinihiling natin sa inyo. Paraang kayang gawin kahit na wala kang armas, bodyguard o katungkulan laban sa mga ilegal na nagookupa ng Malacañang na parang mga Buwitre na nilalamon ang laman ng isang bansa at lahing unti-unting namamatay sa pamamagitan ng walang habas sa pagnanakaw, pandaraya at pagsisinungaling.

Sana mag-umpisa kayo sa Rotary, sibakin n’yo ang mga taong dumungis sa magandang pangalan ng Rotary. Kung tunay na sinusunod n’yo ang Four Way Test, yan ang karapat-dapat n’yong gawin. Do not profess fealty to the highest code and yet coddle those who defile the same with their public and private acts.

Ang Simbahang Katoliko kung saan makikita natin ang ilang mga Obispo ay unti-unti na ring nako-corrupt ng mga opisyal ng kasalukuyang administrasyon ay dapat din sanang kumilos at ipakita na laban sila sa katiwalian.

(Abangan ang karugtong sa Huwebes)
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

ANG SIMBAHANG KATOLIKO

ERAP

ESTADOS UNIDOS

FOUR WAY TEST

ISANG

KUNG

MALACA

NATIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with