^

PSN Opinyon

Huwag pabayaan ang mga ‘bagong bayani’

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
PARATI na lamang mabagal kumilos at hirap na hirap magbigay ng tulong ang gobyerno sa overseas Filipino workers (OFWs). Nakikita ngayon kung gaano kabagal umaksyon ang gobyerno sa paglilikas ng OFWs sa Lebanon. Mabagal magsikilos para maisalba ang mga tinaguriang "bagong bayani". Nagtuturuan at nagsisisihan pa ang mga tinamaan ng kulog gayong nagbobombahan at nagpuputukan na.

Nadiskubre ko na kulang na kulang pala ang tulong ng mga ahensiya ng pamahalaan sa OFWs. Marami sa OFWs ang minamaltrato ng kanilang mga amo. May mga nire-rape, hindi pinakakain, hindi pinasusuweldo.

Ano bang klaseng pagtingin ito sa mga "bagong bayani" na malaki ang naitutulong sa bansa? Bakit hindi suklian ang kanilang pagsasakripisyo? Bakit hindi sila arugain gayong malaki ang kanilang naitutulong sa kabuhayan ng Pilipinas dahil sa ipinadadala nilang pera.

Dapat mahiya ang gobyerno sa nangyayaring ito. Dapat ay may plano sila sa paglilikas ng OFWs sakali at may biglaang nangyayari gaya ng pagsiklab ng giyera. Magkaroon din sana ng unemployment financial assistance. Dapat alagaan ang mga tinatawag na mga "bagong bayani" na nagpapasok ng humigit-kumulang na $10 bilyon taun-taon sa pamamagitan ng remittances.

ANO

BAKIT

DAPAT

MABAGAL

MAGKAROON

MARAMI

NADISKUBRE

NAGTUTURUAN

NAKIKITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with