Mafia sa NFA - Part 6
August 1, 2006 | 12:00am
HINDI pala biro ang operasyon ng Mafia sa NFA dahil pati mga bugok na kasamahan nito, lalot iyong mga drivers ng trak ay nagpapatayan sa laki ng kanilang kinikita. Sabi nga, inggitan!
Nag-lie low pansamantala ang Mafia sa NFA dahil sa kakakalkal ko ng kanilang operation kaya naman nanggagalaiti sila sa galit ngayon sa Chief Kuwago.
Gusto kasi ng Mafia sa NFA na isako ang Chief Kuwago para manahimik sa series na nangyayaring kagaguhan sa NFA at isama na rin ang Chief Kuwago sa mga ibinebenta nilang ninakaw na bigas.
May intel group ang nagkakalkal ng operation ng Mafia sa NFA sa ngayon at tinitiktikan din ng nasabing grupo ang galaw nila kung gagamit sila ng panibagong dummies sa kanilang mga nakulimbat na ari-arian.
Hindi biro ang Mafia sa NFA, sangkatutak na atik ang kanilang nakuha sa madlang people kaya naman super yaman ang mga hunghang. Ang mastermind ng Mafia sa NFA ay nangunguyakoy sa palace in the sky dahil nabigyan ito ng very beautiful position sa gobyerno.
May code name King Arthur ang kamote, malaking pitsa ang nadale niya dahil sa pagiging sanggang dikit niya sa palace in the sky.
Isa si King Arthur sa ikinakantang nagpatira kay Marlene Esparat dahil sa ginawang pagbulgar sa rice scam.
Kung anuman ang nangyari sa imbestigasyon regarding this, tiyak si Lord na lamang ang nakakaalam. Amen!
Natutuwa sa galak sina Joji kuh pal sia, ang sinasabing millionaire rice miller, na walang ginawa kundi ang mag-report sa malakanin, este mali, Palasyo pala sa mga nangyayaring kagaguhan sa pagbibigas.
Ibang grupo ang itinuturo ni Joji kuh pal sia na dehins niya kasangga dahil ang Mafia sa NFA ang kanyang binibigyan nang malaking proteksyon. Ika nga, turo kalaban, huwag kasangga!
Paano kita pitsa kung pati ka-grupo ihuhulog.
Nakaistambay lamang sa kani-kanilang mga bars and restaurant ang mga kasangga ni Joji kuh pal sia na sina Bong limlim kasoy, Alex konsehala, Republic of the Philippines, a.k.a. RP, Tor continental, EJ at Juliet kampanan ng Bulacan.
Mga mansion ang mga haybol nila hindi biro nakakalula sa laki.
"Binubungkal pala ng isang grupo ng intel ang kawalanghiyaan ng grupo," sabi ng kuwagong magsasaka.
"Makamote kaya sila kapag nagkataon?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Iyan ang titiktikan ng mga kuwago ng ORA MISMO kung sinu-sino ang tatanggap ng padulas oras na nasaling nila ang Mafia sa NFA."
"Kamote, abangan!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am