^

PSN Opinyon

Cancers na tumatama sa mga bata

WHAT’S UP DOC - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
(Huling bahagi)

NARITO ang pagpapatuloy ko ng mga cancer na tumatama sa mga bata.

Kapag may kidney cancer (tinatawag ding Wilm’s tumor) makararanas ng abdominal pain ang bata. Isang sintomas din ang pagkakaroon ng dugo sa kanyang ihi. Kapag ang cancer ay kumalat sa kanyang baga, uubuhin siya at dudura siya ng dugo. Makararanas din ang bata nang pagsisikip ng dibdib at mahihirapan siyang huminga.

Ang retinoblastoma o cancer sa mata ay isa sa mga cancer na tumatama sa mga bata. Bagamat bihira ang cancer na ito, napatunayan naman itong namamana at sinasabing ang mga matang may katulad ng sa pusa (cat’s eye reflex) ang madalas na tamaan ng cancer na ito.

Ang pamamaraan ng paggamot sa cancer ng mga bata ay paiba-iba. Idadaan sa laboratory tests, x-ray examinations, computerized tomography scan, magnetic resonance imaging at nuclear medicine procedures. Kukuha ng sample tissue (biopsy) sa pasyente. Mahalaga ang biopsy at dapat itong gawin kaagad sa mga batang may cancer. Kapag naisagawa na ang lahat nang nararapat dito na maaaring isagawa ang pagsasailalim sa operasyon, radiation theraphy a chemoptherapy.

vuukle comment

BAGAMAT

CANCER

HULING

IDADAAN

ISANG

KAPAG

KUKUHA

MAHALAGA

MAKARARANAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with