Itoy hingil sa patuloy na paglapit sa amin ng mga nagrereklamong credit card holders partikular na ng Citibank.
Inilapit na ng BITAG ang reklamong ito sa mismong pamunuan ng Citibank at sa National Bureau of Investigation o NBI sa pamumuno ni Atty. Meneses ng Anti-Fraud division.
Subalit patuloy pa rin ang pagdami ng mga nabibiktima sa modus na ito sa kabila ng ginawang paglalantad ng BITAG.
Isa lamang itong pagpapatunay na walang ginagawang aksyon ang pamunuan ng Citibank para mapangalagaan ang kanilang mga customer.
Nababahala ang BITAG sa patuloy na pagdami ng biktima, kayat hinihikayat namin ang publiko na maging paladuda at mapaghinala sa bawat transaksyong inyong gagawin sa mga bankong inyong pinagkakatiwalaan, dahil hindi ninyo alam kasangkot din ang empleyadong inyong kausap.
Isa lang ang malinaw sa BITAG, may mga taong kasabwat kung saan ang empleyado mismo ng banko ang gumagawa ng kalokohan dahil sila ang nakakaalam ng mga mahahalagang impormasyon ng kanilang kliyente.
Kung sabagay paano nga naman matutuldukan ang ganitong modus kung yung mismong banko na isa rin sa dapat magrereklamo at gumawa ng aksyon dahil biktima rin sila ng modus na ito ay ayaw makipagtulungan.
Dahil sa pinoprotektahan ang kredibilidad ng banko kahit kapakanan na mismo ng in-yong mga customers ang nakasalalay.
Nanawagan ang BITAG sa mga biktima ng ganitong modus na makipag-ugnayan sa opisina ng Anti-Fraud ng Bureau of National Investigation o NBI upang maimbestigahan.
Hamon ng BITAG sa pamunuan ng Citibank na huwag kayong magbingi-bingihan at magbulag-bulagan sa mga reklamo ng inyong customer.