Magandang SONA. Sana
July 27, 2006 | 12:00am
WISH LIST daw ang litanya ng mga grandiyosong proyekto ni Presidente Arroyo sa kanyang SONA nung Lunes, ani Sen. Miriam Santiago. Kaalyado man siya ng Pangulo, mukhang may duda ang Senadora. Pero totoo. Iyan ang wish list ng buong sambayanan na sanay magkatotoo sa kabila ng kabi-kabilang pagbatikos ng mga kaaalit sa pulitika ng Pangulo.
Inilatag ng Pangulo ang road-map para makarating sa patutunguhan. Magiging isang bansa ang Pilipinas sa pamamagitan ng mga modernong lansangan, paliparan, Ro-Ro at tren. Mapapabilis ang biyahe mula hilaga hanggang timog. Magkakaugnay ang mga sentro ng negosyo sa bansa na magpapasigla sa ekonomiya. Tulad ng inaasahan, batikos lang ang inani ng Pangulo sa oposisyon na wala nang hangad kundi siyay mapaalis sa puwesto. Ayon sa Pangulo, may pera para sa mga ambisyosong programa. Ayaw maniwala ng oposisyon dahil iyan ang kanilang mind set o takbo ng utak.
Naniniwala akong may sapat na instrumento para umariba ang kanyang programa. Lumago ang exports mula $12.8 bilyon na naging $14 bilyon nung Enero hanggang Abril ng taong ito kumpara noong nakalipas na taon. Tumaas ang foreign direct investment sa P63.5 bilyon sa taong ito kumpara sa P31.5 bilyon nung isang taon. Kung may bagay na bumaba, ito ay ang kakapusan sa pondo o deficit ng ating badyet. Dumami ang trabaho at nabawasan ang kaso ng mga welga. Sa ganyang kalagayan ng bansa, hindi mag-aatubiling tumulong ang mga investors para matupad ang mga planong tinuran ng Pangulo. Hindi madaling gawin ang vision ng Pangulo lalu pat sinasagkaan ng kanyang mga kaalit sa pulitika. Sabi nga niya sa oposisyon noon SONA, "bakit hindi na lang kayo makipagtulungan". Inamin ng Pangulo na ang sigalot sa pulitika ay magpapabagal sa implementasyon ng kanyang proyekto pero hindi ma-kapipigil sa kanya sa pagsusulong ng mga ito. Totoong ambisyoso ng programa ng Pangulo gaya ng pagtatatag ng "mega regions" upang pabilisin ang pag-asenso ng Pilipinas. Mga gradiyosong tulay at imprastruktura na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso ang ilalatag. Binibigyang diin dito ang pangangailangang bagu- hin ang Konstitusyon na tinututulan ng oposisyon at ibang sektor ng lipunan. Pero sa tagal nang ating paghihirap we surely deserve nothing short of ambitious.
Kung hindi makikiisa ang oposisyon sa magagandang plano ng gobyerno, at ituturing na evil scheme ang bawat gawin ng administrasyon, talagang wish list lang na walang patutunguhan ang tinuran ng Pangulo.
Mrs. President, just do. May kasabihang the test of the pudding is in the eating. Patunayan mong kaya mong panindigan ang mga pangako mo para sa kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino na sabik na sabik na sa totoong kaunla- ran na walang bahid ng pulitika.
Email me at [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am