^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Walang polusyon at basura na nabanggit sa SONA

-
SA anim na State of the Nation Address (SONA) ni President Arroyo mula 2001, pinaka-mahaba ang ginawa niya noong Lunes, umaabot sa 10 pahina at inabot ng 61 minuto bago natapos dahil sa sunud-sunod na palakpakan. Gumamit din siya ng Power Point presentation para maipakita nang husto ang kanyang balakin at mga nagawa ng kanyang administrasyon.

Binanggit niya ang tungkol sa ginawang paglilikas sa mga overseas Filipino workers sa Lebanon, ang mga nagawang tulong ng mga kaibigan niya sa Kongreso, mabubuting civil servants, magigiting na mga miyembro ng armed forces, pagpapaunlad pa ng ekonomiya, transportasyon, paglaban sa kahirapan, katiwalian, terorista at sa dakong huli ay ang binati ang mga taong nagbigay ng karangalan sa bansa at nabanggit din naman ang mga kumakalaban sa kanya at hinimok na makidaup-kamay para sa kaunlaran ng bansa.

Subalit nakapagtataka na wala siyang nabanggit sa pakikipaglaban ng kanyang gobyerno sa mga nagpaparumi ng hangin, tubig at sumisira sa kalikasan. Wala siyang plano para makamtan ng mamamayan ang malinis na hangin at tubig.

Nakalimutan na yata niya ang sinabi kamakailan sa harap ng mga environmentalists na ipalilinis niya ang Manila Bay at Ilog Pasig. Sobrang dumi na ang dagat at ilog at ganoon din naman ang kalawakan dahil sa ibinubugang usok ng mga sasakyan.

Nang araw na mag-SONA si Mrs. Arroyo ay nananalasa ang bagyong Glenda. Habang nagtatalumpati siya sa plenary hall ng Batasang Pambansa ay nagngangalit si Glenda at bumuhos nang todo ang ulan. Lumaki ang alon sa Manila Bay at nagkulay putik naman ang Ilog Pasig. Umihip ang hangin na tila nakikisabay sa palakpakan ng mga dumalo sa SONA.

Kinabukasan, tambak na basura ang nasa Baywalk sa Roxas Boulevard sa Maynila. Dinala ang mga basura ng malaking alon na gawa ni Glenda. Nang maipon ng mga basurero ang mga basura, umabot iyon sa apat na truck. Kung karaniwang araw, isang truck lamang ang nakokolekta sa Baywalk. Mga plastic shopping bags, plastic cups, plastic wraffers, styrofoam at mga patpat ng kawayan ang basurang nakuha.

Maraming sinabi si Mrs. Arroyo sa SONA pero wala siyang nabanggit tungkol sa mga basura.

BATASANG PAMBANSA

BAYWALK

GLENDA

ILOG PASIG

MANILA BAY

MRS. ARROYO

NANG

POWER POINT

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with