Mafia sa NFA - Part 5
July 25, 2006 | 12:00am
MABAGSIK ang pagbubulgar na ginawa ni Marlene Esparat, ang kabaro naming binoga at natigok two years ago. Ang mga inakusahan todits ay nadismiss ng korte kaya lang ang sinasabing utak sa pagdedo kay Marlene ay kasalukuyang kumukuya-kuyakoy sa malakanin, este mali, palace pala. Animoy kapre na nananabako sa tuwa!
Gumawa raw ng secret letter si Marlene na kapag itinumba toits, dapat ang mastermind na Mafia sa NFA ang siyang imbestigahan ng todo-todo.
Mayroon kasing P432 million rice scam na ibinubulgar si Marlene ang isyung ito ay nauna kaysa sa P728 million fertilizer scam ni Jocjoc Bolante.
Yong kay Jocjoc nabuko pero ang scam na sinasabi ni Marlene ay naglahong parang bula dahil dehins na ito natuloy kasi nga tinigok ang ating bidang babae. Sangdamukal ang kasabwat ng Maria, este mali, Mafia pala sa NFA, hindi biro ito.
Nagpapatayan ang mga drivers ng trak dahil sa laki ng pitsang nakukuha nila from the Mafia sa NFA. Ang operasyon ay napakasimple kung kakalkalin nang todo, rice smuggling, diversion bigas at pagnanakaw ng pondo para sa mga magsasaka.
Rice smuggling na galing Vietnam ang tinitira ng todo ng Mafia sa NFA lalo na noong panahon ni dating Prez Erap with matching diversion din dahil ang presyo ng gobyerno sa NFA rice ay dehins nasusunod dahil ibine- benta ng Mafia sa NFA sa mataas na price ang gas-bi.
Tiyak ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na alaws kinalaman si Prez Erap sa nangyayaring kagaguhan during his time. Nasa level lamang ng mga bugok diyan sa NFA at mga kasabwat nilang private citizen na ang karamihan ay Pinoy-Tsekwa ang malalimang operasyon ng kawalanghiyaan at pagnanakaw.
Ma-e-erap na people at mga pobreng mga farmers ang naapektuhan nang husto todits. Akala tuloy ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO ay natigil ang kalokohan sa bigas matapos masipa si Prez Erap sa Malacañang pero mali pala dahil nagpatuloy ito noong umupo si Prez Gloria Macapagal-Arroyo.
Hindi rin sinasabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO na sangkot ang panggulo, este mali, pangulo pala sa anomalyang nangyayari.
Hindi ko rin tatantanan ang grupo ng mga millionaire Pilipino-Tsekwa at mga galamay nila sa nasabing operasyon.
Dehins pa ako tapos Joji pal kuh sia, Bong limlim kasoy, Alex konsehala, RP, Juliet kampana ng Bulacan, Dok, EJ at mighty thor continental. Ang mga ito ang nagnakaw sa madlang people kaya sila multi-millionaire ngayon.
"Kapos ang kolum ng Chief Kuwago, marami pa sana ang kuwento na magaganda," anang kuwagong magsasaka.
"May kuwento pang the sticking Indian rice deal ang ibubulgar ko," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"May isyu pang involved ang utak na si King Arthur sa kagaguhan sa NFA at DA," nanggagalaiti sa galit na kuwagong Kotong cop.
"Sangdamukal pa ang kuwento."
"Kamote, abangan mo!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended