Hindi lamang sa BITAG, maging ang iba pang mga media action centers ay nakakatanggap ng reklamo mula sa mga sidewalk vendors hingil sa mga barumbado at mapang-abusong MMDA Clearing team.
Buwan ng Hunyo ng unang lumapit sa aming action center ang isang sidewalk vendor sa Monumento, Calookan na si Joel itoy upang ireklamo ang ginawang pambubugbog sa kanya ng dalawang tauhan ng MMDA Clearing team.
Sa reklamo ni Joel, kinumpiska raw sa kanya ang kaniyang paninda kasama na pati ang kanyang kinita nung araw na iyon. Pero ng habulin daw niya ang mga ito, suntok sa mukha ang ibinigay sa kanya.
Dahil dito agad namin inilapit ang kaso ni Joel sa hepe ng Sidewalk Clearing Operation na si Roberto Esquievel at mai-line up sa harap ng aming camera ang mga nambugbog kay Joel.
Pero gaya nang aming inaasahan hindi iniharap ni Esquievel ang kanyang mga tauhan para maimbestigahan.
Hindi raw estilo ni Esquievel ang iharap sa media ang mga sangkot sa pambubugbog dahil baka naman daw magkaroon ng misidentification sa kanyang mga tauhan, kawawa naman daw sila
Sa nakitang estilo ng pag-iimbestiga at pangangatwiran ni Esquievel na mai-line-up ang kanyang mga barumbadong tauhan hudyat ito na walang pag-asa makuha ng biktima ang hustisya.
Kaya naman pala malakas ang loob ng mga tauhan ng Sidewalk Clearing ng MMDA dahil protektado sila ng kanilang pinuno na si Esquie-vel.
Sa unang hakbang pa lamang ng kaso ng biktima na si Joel, hindi na siya nabigyan ng pagkakataon maiha-rap ang mga nanakit sa kanya.
Sa nakikita ng BITAG, magiging masahol ang mga susunod pang mangyayari at posibleng dumanak ng dugo sa pagitan ng mga vendor at Sidewalk Clearing ng MMDA.
Handang ipaglaban ng mga vendors ang kanilang ikabubuhay laban sa mga barumbado at abusadong tauhan ng Sidewalk Clearing team ng MMDA.
Ang tanging sagot sa karahasan, ay karahasan. Hindi nagbibiro ang BITAG!