^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Anong naghihintaysa lumikas na OFWs?

-
MAAARING magtagal ang giyera sa Lebanon sapagkat walang nakikitang solusyon ang United Nation para mapigil ang Israel. At maaaring wala nang matitirang Pilipino roon sa takot na madamay sa giyera. Kahit pa ang mga nagsasabing ayaw nilang umalis sapagkat kailangan nilang kumita ng pera para sa kanilang pamilya ay walang magagawa. Lilisanin nila ang magulong bansa para bumalik sa Pilipinas.

Sabi ni Fr. Agustin Advincula, ang nag-iisang paring Pilipino sa Church of Miraculous Medal sa Beirut, nakapanghihilakbot ang nangyari sa OFWs na kaya nasa Lebanon ay para magtrabaho at kumita para sa kanilang pamilya. At napakasakit na ang pagsisikap ay puputulin pala ng giyera.

Tinatayang nasa 30,000 Pinoys ang nasa Lebanon na karamihan ay mga domestic helper. Kung magpapatuloy ang giyera at ang lahat ng mga Pinoy doon ay ililikas, madadagdagan ang mga Pinoy na walang trabaho. At apektado rin ang malaking remittance na natatanggap ng bansa mula sa mga OFWs. Malaking kakulangan sa kaban ng bansa kung hindi makapagre-remit ang mga OFW sa Lebanon.

Maililikas ang mga Pinoy sa Lebanon at makaliligtas sa nangyayaring bombahan doon. Pero ang isang malaking problema ay kung paano sila mabibigyan ng trabaho ng gobyernong Arroyo. Sabi ng mga nainterbyung DHs sa Lebanon, babalik pa rin daw sila pagkatapos ng giyera. Wala naman daw silang makikitang trabaho sa Pilipinas. Mamamatay daw sila sa gutom kapag hindi nangibang bansa.

Problema ang unemployment kaya maraming Pinoy ang nangingibang bansa. Sa kabila na maraming ipinangakong trabaho si President Arroyo na binanggit niya sa kanyang State of the Nation Address (SONA) hanggang ngayon, marami pa rin ang walang trabaho. Marami pa rin ang naghihirap.

Ngayon ay State of the Nation Address (SONA) na naman si Mrs. Arroyo at marahil mangangako na naman siya nang maraming trabaho para sa mga Pinoy katulad ng ginawa noong 2001. Pero walang nalikhang trabaho at bagkus ay nagdag-saan palabas ng bansa ang mga Pinoy para magtrabaho. Gusto nilang makatakas sa kahirapan ng buhay.

Anong kapalaran ang naghihintay sa mga inilikas na OFW sa Lebanon? Mahirap sagutin ngayon.

AGUSTIN ADVINCULA

CHURCH OF MIRACULOUS MEDAL

LEBANON

MRS. ARROYO

PARA

PERO

PILIPINAS

PINOY

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with