^

PSN Opinyon

Pagkakataong mamahinga

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA dami ng alalahanin at gawain sa araw-araw, kung minsan ay wala na tayong pagkakataong makapagpahinga man lamang. At kung mamahinga man, ang mga alalahanin ang pumapasok sa ating diwa, kung kaya sa halip na gumaan ang pakiramdam ay lalo pa tayong napapagod.

Isa sa pinakamabisang pamamahinga ay ang pananalangin sa anyong meditasyon -— hindi ang pag-usal o pagbigkas ng mga panalangin, kundi sa pagtuon lamang ng isip sa presensiya ng Panginoon. Maaaring bumilang ng isa hanggang 10, habang nakaupo, o nakahiga, kasabay ang malalim na paghinga at pagtuon ng pansin sa daloy ng hangin na pumapasok at lumalabas sa inyong baga nang dahan-dahan, habang nakapikit ang mga mata Pagkatapos gawin ito ng ilang sandali, unti-unting ituon ang pansin sa Panginoon. Hayaan Siyang mangusap sa inyo sa katahimikan ng inyong sarili.

Ang Ebanghelyo sa araw na ito ay tungkol sa ating pamamahinga sa Panginoon. At maaari ninyo itong ulit-uliting basahin, upang masumpungan ang kinakailangang pamamahinga sa kabila ng mga suliranin (Mt. 11:25-29).

Nang panahong iyo’y sinabi ni Jesus, "Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo.

"Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.

"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo at mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa."

ANAK

ANG EBANGHELYO

HAYAAN SIYANG

IBINIGAY

ISA

LUMAPIT

MAAARING

NANG

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with