Update: Gang rape sa Hermosa, Bataan
July 19, 2006 | 12:00am
DALAWANG sunod na Sabadong pinasabog ng BITAG ang kasong panghahalay ng grupo ng kalalakihan sa dalagitang si Baby sa Hermosa, Bataan.
Apat ang itinuturong suspek ng biktimang si Baby na pawang magkakamag-anak pa at ang isa ay anak ng Bgy. Chairman ng A. Rivera na si Bok Santos.
Una naming inilapit ang kasong ito sa Gabriela, ang grupo ng kababaihan na tumutulong daw sa mga naabusong kababaihan. Pero tila lamig sila sa kaso ni Baby, marahil naliliitan lamang sila kumpara naman sa kaso ni Nicole sa Subic Rape case na sa mas malaking di hamak ang saklaw ng media.
Kasalukuyang hawak ng Volunteers Against Crime and Corruption sa pamumuno ni Dante Jimenez at ni Atty. Pete Principe ang tatayong abogado sa kasong ito ni Baby.
Sa isinagawang preliminary investigation na ginanap sa Justice Hall ng Balanga Bataan, nasaksihan namin kung gaano kabaligtad ang mundong ginagalawan ng ilang mga residente ng Barangay A. Rivera sa Hermosa Bataan.
Sa halip na ang pobreng biktima ang sumigaw ng katarungan sa nangyari sa kanya ang mga magulang at kamag-anakan ng mga suspek ang nagpoprotesta.
Ibat ibang mga placards ang siyang idinisplay ng mga kamag-anak ng mga suspek at nag-rally pa sa harap ng Justice Hall laban sa biktimang si Baby.
Dahil sa nakitang sitwasyong ito ng VACC at ng abogadong si Atty. Principe hiniling nila sa tanggapan ng Department of Justice na mailipat ang venue ng kasong ito sa Maynila sa halip na sa Bataan.
Itoy upang maiwasan at ingatan ang mga bagay na hindi dapat mangyari na kanilang ipinangangambahan sa kasong ito.
Patuloy na tinututukan ng BITAG ang mga susunod pang mga hakbang at aksyon sa kasong gang rape sa Hermosa, Bataan. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am