Pagbuwag sa Marines
July 16, 2006 | 12:00am
Batid ng marami na ang mga Marines
Sanay nang lumaban sa kaaway natin;
Sa kapayapaay tanod na magiting
Laging nakahandang magtanggol sa atin!
Hindi bat ang Marines laon nang kabilang
Sa kawal ng bayan na iginagalang?
May mga bayaning sa kanilay nilang
Bakit naman ngayoy bale-wala na lang!
Sayang ang panahon na ating nakita
Na ang mga Marines sanay makibaka;
At kung silay ating wawalang-halaga
Mga miyembro nilay saan mapupunta?
Mabuti nga sana kung nasabing unit
Sa Philippine Army di sila maalis;
Mga kawal silang sa bansay umibig
Kaya hanggang ngayoy di tayo malupig!
Marami nang sakit mga sakripisyo
Tiniis ng Marines dito sa bayan ko;
Sa training, sa laban bihasa na ito
Bakit naman ngayoy aayaw na tayo?
Pagbuwag sa Marines baka panakot lang
Kaya kamiy inyong kasamat katuwang
Kayo ay bayaning nagtanggol sa bayan
Di dapat mawala kayoy karangalan!
Sa mga opisyal at mga sundalo
Nitong mga Marines mahal namin kayo
Kung kaya asahang pagbuwag sa inyo
Ilalapit namin sa ating Pangulo!
At kung ang Panguloy katig sa pagbuwag
Sa Poong Maykapal kami ay tatawag;
At marahil naman dasal na matapat
Ay dinig ng Diyos na nasa itaas!
Sanay nang lumaban sa kaaway natin;
Sa kapayapaay tanod na magiting
Laging nakahandang magtanggol sa atin!
Hindi bat ang Marines laon nang kabilang
Sa kawal ng bayan na iginagalang?
May mga bayaning sa kanilay nilang
Bakit naman ngayoy bale-wala na lang!
Sayang ang panahon na ating nakita
Na ang mga Marines sanay makibaka;
At kung silay ating wawalang-halaga
Mga miyembro nilay saan mapupunta?
Mabuti nga sana kung nasabing unit
Sa Philippine Army di sila maalis;
Mga kawal silang sa bansay umibig
Kaya hanggang ngayoy di tayo malupig!
Marami nang sakit mga sakripisyo
Tiniis ng Marines dito sa bayan ko;
Sa training, sa laban bihasa na ito
Bakit naman ngayoy aayaw na tayo?
Pagbuwag sa Marines baka panakot lang
Kaya kamiy inyong kasamat katuwang
Kayo ay bayaning nagtanggol sa bayan
Di dapat mawala kayoy karangalan!
Sa mga opisyal at mga sundalo
Nitong mga Marines mahal namin kayo
Kung kaya asahang pagbuwag sa inyo
Ilalapit namin sa ating Pangulo!
At kung ang Panguloy katig sa pagbuwag
Sa Poong Maykapal kami ay tatawag;
At marahil naman dasal na matapat
Ay dinig ng Diyos na nasa itaas!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended