^

PSN Opinyon

Jocjoc nagjo-joke

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NATUTUWA ang mga kuwago ng ORA MISMO sa Ellen’s Aesthetic Centro sa Timog, QC, very good ang kanilang service sa mga gustong magpaganda at magpapogi, magpapayat at magpalaki. He-he-he!

Gusto kong batiin sina Ellen Lising, the owner; Milagros Tamayo, Ma. Nina Lee, Jhunelyn Tapispisan and Jay Ann Manuntag. Mabuhay kayo!

Isa pa sa gustong batiin ng mga kuwago ng ORA MISMO ay ang mga kababayan sa Hong Kong na walang sawang nagbabasa ng Pilipino Star NGAYON. Ang PSN kasi ang number 1 sa Hong Kong!

Ang isyu, sumakit ang tiyan ng mga kuwago ng ORA MISMO sa kaka-laugh dahil sa style ni Jocjoc bolate, este mali, Bolante pala tungkol sa asking niya sa government ng US of A ng political asylum dahil may mga nangha-harass daw na Noypi sa kanya todits sa Pinas kaya naman takot siyang may mangyari sa kanyang life oras na umuwi siya todits. Ika nga, overacting ang dating ni Jocjoc. Gusto pang mag-drama. He-he-he! Buti nga sa iyo nasa karsel ka.

Sana dehins pagbigyan ng mga Kano ang request ni Jocjoc, tama lang i-deport siya pabalik sa Pinas. Maraming Pinoy ang umaasa na kakanta siya nang magandang song pagbalik niya todits. Sabi nga, ang title ng song "fertilizer scam". Sana rap ang dating ni Jocjoc dahil gusto rin naman niyang mag-joke. Di ba? Hindi kasi biro ang nawawalang pondo ng mga farmers may P728 million ito kaya dapat bukalkalin kung saan ito napunta.

Kung kay Prez GMA ba, sa mga pulitikong tumakbo noong 2004 Presidential Election or what? Dapat lang kalkalin ang nawawalang funding ng mga farmers. Ika nga, parusahan ang mga magnanakaw.

Lubog na ang mga farmers natin lalo pang ibinabaon sa hukay ng mga gago. Kaya naman naglulundagan sa galak ang mga magsasaka nang mabalitaang nasa loob ng karsel si Jocjoc.

Ika nga, its not a joke!

Ang panalangin sa May Kapal ng mga magsasaka, sana bumalik Lord sa Pinas si Jocjoc para magbigay-linaw sa isyu ng scam.

Sayang si Jocjoc, napahiya at nadungisan ang name niya at kanyang pamilya dahil lamang sa pagtatakip?

Ano kaya ang dahilan bakit tumakas si Jocjoc going to US of A?

"Pag bumalik ba si Jocjoc sa Pinas, ano ang mangyayari?" tanong ng kuwagong balasubas.

"Tiyak patay ang mga taong taga-government na nakinabang sa fertilizer scam kung totoo man ito," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Hindi ba miyembro ng Rotary si Jocjoc?" tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.

"Oo pero anong konek?"

"Wala lang nagtatanong lang tayo."

"Pareho yatang Rotarian si Jocjoc at Mike Arroyo?"

"Bakit ano na naman ang konek?"

"May kinalaman ba si Mike sa fertilizer scam?"

"Iyan kamote ang hindi ko alam."

"Mag-imbestiga kaya ang mga pupol, este mali, pulitiko para malaman ang mga naka-konek kay Jocjoc sa sinasabing scam?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Tiyak kamote yari si Jocjoc at hindi ito joke."

"Abangan."

AESTHETIC CENTRO

ELLEN LISING

HONG KONG

IKA

JHUNELYN TAPISPISAN AND JAY ANN MANUNTAG

JOCJOC

MARAMING PINOY

MAY KAPAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with