Multi-milyong dolyar nawawala sa Poro Point
July 15, 2006 | 12:00am
MULTI-MILYONG dolyares ang puwedeng ipasok sa ekonomiya ng Poro Point taun-taon kung itoy idi-develop lang nang husto. Itoy ayon sa pagtaya ng isang grupo ng mga negosyanteng Taiwanese. Pero tila walang magawa ang pamahalaan dahil hawak ito ng isang kompanyang may selfish interest. Nakaimbento ng dahilan para huwag itong tumupad sa obligasyong i-develop ang nabanggit na seaport. Habang ganyan ang sitwasyon, napakalaking income ang nawawala sa atin taun-taon.
Ang daungang ito sa San Fernando, La Union ay isang major seaport na itinatag ng mga Kano. Ang tawag dito noon ay Wallace Air Station na bahagi ng mga US military bases. Nang magwakas ang RP-US Military Bases Agreement, ang lahat ng mga pasilidad ay ipinaubaya na sa mga Pilipino. Subsequently it came under the jurisdiction of the Bases Conversion Development Authority (BCDA).
Sa panahon ni Presidente Estrada, ang operasyon ng Poro Point ay ini-award sa isang pribadong kompanya, ang Bulk Handlers, Inc. (BHI). Obligasyon ng kompanyang ito na i-develop ang naturang seaport at gawing isang industrial park. Sa umpisa, inabisuhan ang BHI na ang ilang kalapit na lupain ay nasa ilalim ng litigasyon ng Korte dahil may mga umaangkin sa naturang lugar. Alam ba nyo ang ginawa ng BHI? Bumuo ito ng development plan para gawing industrial park ang Poro Point. Ok sana iyan. Pero heto ang nangyari. BHIs "development plan" centered all the most important components of the development in the problem areas na nakapailalim sa litigasyon. Paanong maisusulong ang development plan kung may kuwestiyon sa korte ang mga lupaing ididevelop?
Ang resulta, paralisado ang pagpapaunlad sa daungang ito. Kaya ngayong hinihingi ng BCDA sa BHI na tapusin ang development ng daungan, ang katwiran ng kompanya ay ibigay muna ng pamahalaan ang mga lugar sa ilalim ng depektibong development plan. Napakatusong estilo. Halatang sinadya.
Bilyun-bilyong piso ang nawawala habang nakatigil ang pagpapaunlad sa daungang ito. Bukod pa riyan ang nasasayang na oportunidad sa trabaho para sa mga kababayan natin. Samantala, may dahilan ang BHI na huwag tumupad sa obligasyong paunlarin ang daungan. Kuntento na ito sa isinasagawang operasyon na nakabubusog naman sa may-ari ng BHI habang nakapeperhuwisyo sa bansa. Ang may-ari ay may negosyo sa fertilizer. Nagagamit ang daungan sa pagyayaot dito ng kanilang produkto.Kopong-kopo nila ang negosyo sa fertilizer sa Northern Luzon. Hindi na sila kailangan pang gumastos para pagandahin ang Poro Point. Ke sagwang sistema.
Galit ang maraming taumbayan sa La Union pati na ang ilang Taiwanese businessmen. Hinihingi ng isang negosyante mula sa Taiwan na si Charles Chen ang development ng Poro Point. Kailangan kasi ng Taiwan ng malaking volume ng gravel and sand para sa construction projects nito. Malaking source ng gravel and sand ang Northern Luzon dahil wala ang materyal na ito sa mga kalapit nating bansa. Isipin na lang kung gaano kagandang oportunidad ang maibibigay ng Taiwan in terms of trade and jobs para sa mga kababayan natin.
Ano ba iyan? Dahil lang sa isang pribadong kompanyang BHI, maglalaho na ba ang magagandang prospect na ito?
E-mail me at [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended