^

PSN Opinyon

Napapanahong proyekto ng PAGASA

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
PANAHON na naman ng pagdalaw ng mga bagyo sa ating bansa at ang inilunsad kamakailan ng Philippine Atmospheric Geographical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay ng makabagong rainfall monitoring ay isang makabuluhang proyekto. Ang proyekto na tinawag na Community-Based Rainfall Observation Network ay malaki ang maitutulong para sa epektibo at tamang weather reports and forecasts sa mga komunidad.

Sa pamamagitan ng proyekto, magkakaroon din ng ugnayan ang local government units at mga residente sa pagkalap ng mga ulat na may kinalaman sa lagay ng panahon.

Ayon kay Prisco Nilo, PAGASA operational services deputy director, mahalagang ma-monitor ang pag-ulan na lubhang mapanganib sa mga lugar na madalas magbaha at pagguho ng lupa na kagaya ng nangyari sa Baguio City kamakalawa.

Umaabot sa 425 locally fabricated rain gauges ang ilulunsad sa mga flood-and-landslide prone areas sa Cagayan Valley, Central Luzon, Southern Tagalog, Bicol Region at Eastern Visayas. Ang mga nabanggit na lugar ang priority areas ng National Disaster Coordinating Council (NDCC).

Ang mga guro at student volunteer ay sasanayin sa data collection and dissemination, basic weather forecasting and early warning system. Mamamahagi rin ang PAGASA ng cell phone sa mga volunteer para mapabilis ang transmission of information. Magagamit din nila ang radyo at mga kampana ng simbahan kaugnay sa proyektong nabanggit.

BAGUIO CITY

BICOL REGION

CAGAYAN VALLEY

CENTRAL LUZON

COMMUNITY-BASED RAINFALL OBSERVATION NETWORK

EASTERN VISAYAS

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOGRAPHICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

PRISCO NILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with