Mga dorobong nagbebenta ng lupa, nagkalat!
July 14, 2006 | 12:00am
PINAG-IINGAT ng BITAG ang publiko sa mga dorobong manggagantso na nagkalat di lamang sa mga probinsya, maging dito sa Maynila.
Marami nang reklamo ang natanggap ng BITAG mula sa mga nalokot biktima ng mga sindikatong nagkalat upang magbenta ng mga lupang hindi naman nila pag-aari.
Estilo ng grupo na mag-alok ng lupa at kumbinsihin ang kanilang mga mabibiktima na bumili ng lupa sa mababang halaga.
Kayat kalimitan sa kanilang mga nabibiktima ay yung mga taong madaling maniwala at maloko, nahuhulog sila sa mga mabubulaklak na pananalita ng mga dorobong ito.
Ang kawawang biktima ay agad namang magbabayad nang malaking halaga na kanyang inipon upang makabili ng lupang pinapangarap.
Matapos maibigay ang lahat ng mga dokumento at titulong inaakala ng pobreng biktima ay tunay, maglalaho na lamang na parang bula ang mga manggagantso.
Pagpunta ng nakakaawang biktima sa lugar ng inaakalang lupang kanyang pag-aari, saka niya malalaman ang hubot hubad na katotohanang silay nagantso.
Dahil ang kanilang mga hawak na papeles ay mga peke at gawa kung saang kanto na gawa rin ng mga manloloko.
Kawawang biktima, ang perang inipon nauwi sa walang saysay na panloloko. Hanggang ngayoy patuloy pa rin ang ganitong panloloko.
Magsilbi sanang babala sa publiko ang pangyayaring ito nang makaiwas sa mga manlolokong ito na nagkalat sa mga probinsya at maging sa Maynila.
Hindi masama ang maging mapagduda at maghinala sa mga taong ating nakakasama upang makaiwas at hindi maloko ng mga dorobong manggagantso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended