^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ibalik si Bolante

-
NAARESTO si dating Agriculture undersecretary Jocelyn Bolante sa Los Angeles International Airport noong nakaraang Biyernes. Kinansela ng US Immigration and Naturalization Service ang kanyang visa. Galing sa Seoul, South Korea sakay ng Asiana Airlines si Bolante nang arestuhin. Hindi naman malinaw kung bakit kinansela ang kanyang visa. Kasalukuyan siyang naka-detain sa San Pedro Detention Center sa Los Angeles.

Ang pagkakaaresto kay Bolante ay magandang pangitain na nagwakas na ang pagtatago ng dating agriculture undersecretary na naakusahan ng anomalya kaugnay sa P3-billion fertilizer scam. Ang P3-bilyon ay hinihinalang ginamit ni Bolante noong May 2004 election. Ang pera ang ginamit umanong pangreward sa mga pulitikong tumulong sa kampanya ni Mrs. Arroyo noong 2004 elections.

Si Sen. Ramon Magsaysay Jr. ang nakabuking ng fertilizer scam. Si Magsaysay ang chairman ng Senate committee on Agriculture. Ilang ulit nang inimbitahan ng Senado si Bolante subalit patuloy nitong "binabastos" ang mga senador. Walang interes makipagbalitaktakan si Bolante sa isyu ng fertilizer scam. Bagay na ipinagtataka naman ng taumbayan kung bakit ganoon na lamang ang pag-iwas ni Bolante sa Senado. Mayroon ba siyang itinatago kaya ayaw niyang magpakita. Mayroon ba siyang inililihim kaya ayaw lumantad?

Ang hindi pagdalo ni Bolante sa mga paanyaya sa kanya hinggil sa fertilizer scam ay para na ring pag-amin sa kasalanan. Ang pag-alis niya ng bansa ay pag-amin na rin sa kasalanan. Nakapagtataka naman kung paano nakalalabas ng bansa si Bolante gayong may hold departure order sa kanya.

Ngayong naaresto na si Bolante, nararapat mabantayan siyang mabuti at baka makatakas. Tiyak na may malalaking tao sa fertilizer scam at marahil ay ang mga malalaking taong ito ang nagpapalakas sa loob ni Bolante para umiwas sa imbestigasyon. Maaaring mainit na mainit na si Bolante sa mga taong nasa likod ng fertilizer scam.

Huwag hayaang makatakas si Bolante at pakaingatan sapagkat may mga taong gusto siyang patahimikin. Hindi biro ang P3-bilyong fertilizer scam. Pabalikin siya sa bansa para malaman na nang taumbayan ang katotohanan sa fertilizer scam.

ASIANA AIRLINES

BOLANTE

FERTILIZER

IMMIGRATION AND NATURALIZATION SERVICE

JOCELYN BOLANTE

LOS ANGELES

LOS ANGELES INTERNATIONAL AIRPORT

MAYROON

MRS. ARROYO

SCAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with