Impeachment: Political exercise in futility CBCP
July 13, 2006 | 12:00am
GANYAN inilarawan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang ikalawang impeachment case laban kay Presidente Arroyo. Political exercise in futility. Di nila ito susuportahan ayon sa kanilang pastoral letter. Ayaw man natin kay Presidente Arroyo, ang impeachment ay pambubulabog sa gobyerno. Hadlang sa mga proyekto para sa kapakanan ng taumbayan.
Tugma sa mga natalakay na natin noon ang pananaw ng mga obispo. Walang sinserong layunin ang oposisyon sa hangaring matanggal ang Pangulo. Puro vested interest ng magkakaibang paksyon ng oposisyon. Gusto lang daw mapabilis ang pag-okupa nila sa Malacañang. Sabi ni Opposition Rep. Chiz Escudero, kesyo suportahan o hindi ng simbahan, tuloy ang impeachment. Walang atrasan. Para sakin, may takdang panahon para papanagutin ang isang leader na inaakala nating tiwali. Kasuhan matapos ang kanyang termino. Kung ngayon siya titirahin, apektado ang gobyerno at ang mamamayan. Iyan ang ginagawa sa ibang bansa gaya ng South Korea na marami nang naipakulong na dating leader dahil sa katiwalian. Kung sinsero ang oposisyon, iyan ang dapat nilang gawin.
Pero sa tingin ko, ayaw ng ibang pulitiko at ng mga tinatawag na leftists o communist elements na umigi ang takbo ng gobyerno. Hadlang ito sa sarili nilang ideyolohiya. Sana, sa pamamagitan ng deklarasyon ng CBCP ay magwakas na ang usapin sa impeachment. Bayaan nating tapusin ng Pangulo ang gawain para sa bayan. May responsibilidad pa siyang dapat gampanan para sa bansa at mamamayan.
Parang nahugutan ng tinik si PGMA sa pahayag ng CBCP samantalang ang oposisyon ay napatda na animoy natuklaw ng mabangis na kobra. Numbers game ang impeachment. Kung sino ang mas maraming kakampi sa Kongreso, siya ang panalo. Nagkataon, maraming Kongresista ang pro-GMA. Kahit ang oposisyunistang si Sen. Nene Pimentel ay inaamin iyan. So whats the purpose of pursuing it maliban sa paglikha ng gulong pampulitika na sagabal sa pag-asenso ng bayan?
Sa opisyal na paninindigan ng mga Obispo, dapat na rin marahil tumalima ang ibang miyembro ng kaparian tulad ni Bishop Deogracias Yniguez na kasama sa mga nagharap ng impeachment complaint laban sa Pangulo.
Email me at [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended