EDITORYAL Kawawang DepEd!
July 13, 2006 | 12:00am
SA lahat nang departamento ng gobyerno ang Department of Education ang lagi nang kinakawawa. Bukod sa hindi mabuhusan nang pinakamalaking budget, pati paglalagay ng secretary ay nagiging kontrobersiya. Kahapon ay hinirang na ni President Arroyo si Tarlac Rep. Jeslie Lapus bilang bagong DepEd secretary. Pero ang pagpili kay Lapus ay sinalubong ng protesta. Maraming ayaw kay Lapus. Hindi pa nakauupo ay isinusuka na. Kawawa talaga ang DepEd.
Halos mag-iisang taon nang walang secretary ang DepEd at pinatatakbo lamang ng officer-in-charge sa katauhan ni Fe Hidalgo. Nakapagtataka na hindi agad naaksiyunan ni Mrs. Arroyo ang pagtatalaga ng secretary sa DepEd pero may panahon naman siya sa pagpunta sa ibang bansa. Mahirap bang pumili ng ilalagay sa DepEd?
Nagrebelde ang dating secretary ng DepEd na si Florencio Abad noong nakaraang taon at nagbitiw sa posisyon kasama ang iba pang Cabinet members na tinaguriang "Hyatt 10". Ang pansamantalang inilagay sa puwesto ay si Hidalgo nga.
At nakapagtataka na hindi si Hidalgo ang pinili kahapon ni Mrs. Arroyo para pamunuan ang DepEd kundi si Lapus na isa na namang pulitiko. Sabi ng mga nagpoprotesta, edukador ang kailangan nila at hindi pulitiko.
Nakapagtataka kung bakit hindi isang insider na kagaya ni Hidalgo ang hinirang na secretary. Matagal na naman sa serbisyo si Hidalgo at ang pagiging OIC sa DepEd sa loob ng may isang taon ay sapat na para pamunuan ang departamento. At ang pinakamahalaga, hindi pulitiko si Hidalgo. Ngayong pulitiko na naman ang nasa DepEd, nakapangangamba na lalo pang masadlak sa kumunoy ng problema ang DepEd.
Nang magbukas ang klase noong June 13, lumutang na naman ang problema sa kakulangan ng mga classrooms. Sa kakulangan, pati comfort room ay kinonvert nang classrooom. Kulang sa pasilidad. Maraming mali ang mga textbooks, may mga teachers na walang kakayahang magturo. Sa kasalukuyan, maraming elementary at high school students ang bagsak sa exams at walang kakayahang magpatuloy sa high school o college.
Sa ipinamamalas na ito, kailangan ang pagreporma at nang muling kuminang ang edukasyon sa bansa. Sa paghirang sa isang hindi galing sa DepEd mismo, duda kami kung mangyari ang ganitong reporma.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended