^

PSN Opinyon

Problema sa Biak na Bato

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG column na ito ay isa sa mga naunang nagsiwalat ng nangyayaring quarrying sa makasaysayang Biak na Bato sa Bulacan. Ang walang habas na pagku-quarry na ginagawa roon ang magiging dahilan para tuluyang masira ang bundok. At kung hindi kikilos ang mga kinauukulan hinggil sa nangyayaring pagtampalasan sa bundok maaaring magkaroon ng landslide roon na walang ipinagkaiba sa nangyari sa Bgy. Guinsaugon sa Leyte; Real, at Nakar, Quezon at sa Aurora.

Marami ang mapipinsala dahil sa walang patumanggang panggagahasa sa kalikasan. Pansariling interes ang puno at dulo nang nangyayaring pagsira sa Biak na Bato.

Ang Biak na Bato ay isang historical landmark sapagkat dito sa bundok na ito nagtago at nagpulong ang mga Katipunero nang mag-alsa sa mga Kastila noong 1898.

Dahil sa walang patumanggang pagku-quarry, halos makalbo na ang bundok at maging ang tubig na dumadaloy sa mga bukal ay apektado na rin. Ayon sa aking nakausap, ang dating malinaw at malinis na tubig na masarap inumin ay nahaluan na ng kemikal dahil sa pagku-quarry.

Si Bulacan Gov. Josie Dela Cruz ay patuloy na nananawagan kay Environment and Natural Resources Sec. Angelo Reyes na ipatigil ang pagku-quarry. Naniniwala si Dela Cruz na bago matapos ang buwang kasalukuyan may konkretong kasagutan na sa kanilang problema sa Biak na Bato.

ANG BIAK

ANGELO REYES

AYON

BATO

BGY

BIAK

DELA CRUZ

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SEC

JOSIE DELA CRUZ

SI BULACAN GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with