^

PSN Opinyon

Hindi lang sa Makati umaarangkada ang sugal ni Vergel Pimentel

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MULA sa dating kabo ng gambling lord na si Rene Ocampo, nagsolo na ang kubrador niya na si Vergel Pimentel ng second district ng Makati City at medyo umunlad naman ang kanyang negosyo. Sa ngayon, hindi lang sa second district ng siyudad ni Mayor Jojo Binay may EZ2, lotteng, first 3 ng lotto, PBA ending at larong 3-digit si Pimentel kundi maging sa Pateros, Taguig City at sa laylayan ng Pasig City.

Umaabot sa tumataginting na kalahating milyon ang kubransa araw-araw ni Pimentel sa lahat ng palaro niya. Kaya lang nakatago pa si Pimentel para hindi maubos ang kinita niya sa lingguhang intelihensiya. ’Ika nga kung sino at anong operating unit lang ng PNP ang nakaabot sa kanya, ‘‘yaon lang ang may grasya, get n’yo mga suki? Kaya kung ikumpara sa kanyang mga kasamahang gambling lords sa Metro Manila, may ibubuga pa si Pimente dahil ilan pa lang ang pinapakisamahan niya, he-he-he! Tiyak kukuyugin ng mga ‘‘langgam’’ si Pimentel sa susunod na mga araw.

Halos dalawang taon rin palang nagtrabaho sa ilalim ni Rene Ocampo itong si Vergel na nakatira sa 29th St. sa Barangay West Rembo sa Makati City. Siyempre, dahil may ambisyon din siya na tularan ang kanyang amo, aba nang makaipon ng kapital eh naglakas loob siyang humiwalay na at nag-expand pa ng kanyang negosyo. Si Rene Ocampo ay nandoon pa rin sa second District ng Makati City habang si Pimentel ay namayagpag na sa ibang lugar. Masisisi ba si Pimentel kung tumabo siya sa pinasok niyang negosyo? Eh di hindi, di ba mga suki? Kaya lang kapag pinutakti na ng mga kolektor ng CIDG, NCRPO at ng iba pang unit ng ating kapulisan, tiyak iiyak rin si Pimentel. Kasi nga, pipilitin siyang magbigay ng lingguhang payola sa mga patay na unit ng CIDG at NCRPO at malaki ang mababawas sa kanyang bulsa. Hindi lang ’yan. Kapag nakaligtas pa si Pimentel sa patay na butas o anu-anong task force na nabuwag na, tiyak tatamaan din siya nang ‘‘ipinanganak’’ o itinatayong bagong unit, he-he-he! Ganyan ang ideya ng kapulisan para lumaki ang take home nila sa illegal gambling para matustusan agn mga bisyo nila o dili kaya’y ipakain sa kanilang pamilya.

Kung sabagay, hindi lang si Pimentel ang buwenas sa ngayon. Isama na sa listahan si Dodong Bisaya na may palaro rin ng EZ2, lotteng, PBA ending at 3-digit sa Mandaluyong City. At tulad ni Pimentel, nakatagpo rin si Dodong Bisaya para hindi gaanong makapagbigay ng lingguhang intelihensiya. Nakuha na kasi ni Dodong Bisaya ang lahat ng laban ni Boy A. at mga alyas Berting, Willy Ama at Buddy kaya’t malaki na rin ang kubransa niya. Si Dodong Bisaya ay nakatira sa G. Fernandez St., sa Barangay Mauway na sakop naman ni Chairman Gahol, he-he-he! Balitang matapang na prosecutor si Gahol noon pero ng maging opisyal na siya ng barangay eh sa sugal ni Dodong Bisaya nakabukas ang palad niya.

Sa panahon sa ngayon na umaaray ang lahat ng gambling lords sa sobrang taas ng lingguhang intelihensiya, nanganganak pa ang mga unit ng PNP at hindi ito kayang pigilin ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon. Tiyak maging si Calderon ay magtatayo ng sariling unit para magkalaman din ang kanyang bulsa. Abangan!

BARANGAY MAUWAY

BARANGAY WEST REMBO

BOY A

DODONG BISAYA

KAYA

LANG

MAKATI CITY

PIMENTEL

RENE OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with