^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Turuan ng leksiyon mga sundalong sutil

-
Malambot ang ngipin ng batas kaya naman patuloy ang paglabag sa kautusan at panggugulo ang mga sutil na sundalo. Saan naman nakakita na matapos magkudeta ang mga sundalo at pumatay nang maraming tao at nasira ang ekonomiya ay pinatawad pa. Isang matibay na halimbawa ay si dating senador at army colonel Gregorio Honasan. Siyam na kudeta ang isinagawa ng kanyang grupong Reform the Armed Forces Movement sa panahon ni dating President Aquino mula 1986 hanggang 1989. Nagtago si Honasan makaraan ang 1989 kudeta pero nahuli rin. Anong parusa ang iginawad sa kanya? Ikinulong sa isang barko na nasa laot. Tumakas si Honasan at binigyan pa ng amnestiya. Ang mga sundalong kasama sa kudeta ay pinag-push-ups lang at kinalimutan na ang kasalanan.

Ganyan kalambot ang batas dito sa Pilipinas at hindi na nakapagtataka kung magpaulit-ulit lamang ang mga banta sa pag-agaw sa gobyerno.

Kakatwang karamihan pa sa nagtatangkang umagaw sa gobyerno ay mga nagtapos sa Philippine Military Academy. Pagkaraang gastusan ng perang galing sa buwis ng taumbayan ang mga PMAyers na ito pa ang naghahasik ng kaguluhan. Pinag-aral nang libre at kaguluhan pala ang igaganti.

Nabuking ang tangkang kudeta noong February 24, 2006 at pinamunuan na naman ng mga sundalong nagtapos sa PMA. Ang balak na kudeta ay lalo pang luminaw nang mapanood ang video kung saan inihayag ang withdrawal ng kanilang support kay President Arroyo sa pangunguna ni dating Scout Ranger commander Brig. Gen. Danilo Lim. Totoo pala ang umugong na kudeta noong February 24 at hindi haka-haka lamang. Ang standoff ng Marines sa Fort Bonifacio ay bahagi ng planong kudeta. Pero pumalpak ang plano dahil natunugan ang balak nina Lim at iba pang opisyal.

Noong Biyernes ng madaling araw, nadakip na ang anim na Magdalo officers, kasama ang ilang sibilyan sa isang bahay sa Quezon City. Ang Magdalo group ang nagsagawa ng pagkubkob sa Oakwood Hotel ilang taon na ang nakararaan. Nakakulong na ang iba sa kanilang kasamahan.

Sabi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines, wala na raw problema sa pagkakadakip sa anim. Tatahimik na raw.

Mahirap paniwalaan iyan, tiyak na may susulpot pang mga sutil hangga’t hindi nakatitikim nang mabigat na parusa ang mga sundalo. Ikulong sila nang habambuhay.

ANG MAGDALO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DANILO LIM

FORT BONIFACIO

GREGORIO HONASAN

HONASAN

KUDETA

NOONG BIYERNES

OAKWOOD HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with