Dahil sa naging controversy na ito, may mga senador at kongresista na nagbabalak magpasa ng bagong batas na kung saan gagawin nang bawal ang "withdrawal of support". Kung pumasa man ang batas na ito, sa paningin ko hindi ito maaring gawing "retroactive", kaya maging batas man ito o hindi, hindi maaaring maging applicable ito sa mga nagpaplano pa lamang mag-withdraw ng kanilang support o di kaya sa mga nagsagawa na nito noon. Kung ito man ay gagawing "retroactive", hanggang saan at sino ang dapat balikan at singilin sa mga nakalipas? Si dating Pangulong Fidel Ramos kaya? Si Secretary Angelo Reyes kaya o si Senador Ping Lacson? Hindi bat lalabas na hindi pantay ang hustisya kung ang paparusahan lamang ay ang mga nag-withdraw ngayon, at hindi ang mga nag-withdraw noon?
Dahil nasimulan na ni Mrs. Gloria Macapagal Arroyo ang pag-sorry na lamang sa kanyang "lapse of judgment", hindi kaya puwedeng mag-sorry na lamang ang mga sundalong nag-withdraw daw, at sila ay mag-"move on" na lamang sa kanilang mga career? Hindi bat may mga sundalo na ring nagkasala noon at ang sinabi lamang sa kanila ay "carry on"? Ano naman kaya ang maging parusa sa mga civilian na hindi naman nag-withdraw at parang cheering squad lang sila?