Ayon kay Dr. Cornejo natural na sa mga nagkaka-edad na magkaroon ng mga linya sa mukha pero mas nagkakaroon nang maraming lines sa mukha ang mga smokers. Mas lumalaki ang mga eyebugs ng mga naninigarilyo bukod pa sa apektado ng usok ang mga mata kaya dahilan din ito ng panlalabo ng paningin. Maging ang mga linya sa noo at pisngi ng mga chain smokers ay kitang-kita at tuloy ang paglaylay ng laman sa dakong bibig at baba.
May mga ipinakitang larawan si Dr. Cornejo ng mga naging pasyente niya, before and after na magamot niya. Mapupuna ang malaking pagbabago ng mga datiy sugapa sa sigarilyo na nagawang ihinto ang kanilang masamang bisyo. Ang datiy kulubot na balat nila ay nagkaroon ng sigla at buhay, matapos na mag-quit sa paninigarilyo. Bukod dito ipinakita ni Dr. Cornejo ang nakapangingilabot na larawan ng mga baga na nagkaroon ng cancer dahil sa paninigarilyo.
Sa paglitaw ng mga makabagong anti-aging devices kabilang na ang mga cream, lotion at cosmetics, naniniwala si Dr. Cornejo na ang pag-iwas sa paninigarilyo at pagkakaroon ng clean living ang mabisang paraan para maantala ang pagtanda.