^

PSN Opinyon

Madaling makapagpatanda ang paninigarilyo

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
BUKOD sa pagkakaroon ng cancer sa baga, isa pang natuklasang masamang dulot ng paninigarilyo ay ang maagang pagtanda. Sinabi ng cardiologist na si Dr. Resty Cornejo, ang nikotina ng sigarilyo ay nakalalason at nakapagdudulot nang mabilis na pangungulubot ng balat.

Ayon kay Dr. Cornejo natural na sa mga nagkaka-edad na magkaroon ng mga linya sa mukha pero mas nagkakaroon nang maraming lines sa mukha ang mga smokers. Mas lumalaki ang mga eyebugs ng mga naninigarilyo bukod pa sa apektado ng usok ang mga mata kaya dahilan din ito ng panlalabo ng paningin. Maging ang mga linya sa noo at pisngi ng mga chain smokers ay kitang-kita at tuloy ang paglaylay ng laman sa dakong bibig at baba.

May mga ipinakitang larawan si Dr. Cornejo ng mga naging pasyente niya, before and after na magamot niya. Mapupuna ang malaking pagbabago ng mga dati’y sugapa sa sigarilyo na nagawang ihinto ang kanilang masamang bisyo. Ang dati’y kulubot na balat nila ay nagkaroon ng sigla at buhay, matapos na mag-quit sa paninigarilyo. Bukod dito ipinakita ni Dr. Cornejo ang nakapangingilabot na larawan ng mga baga na nagkaroon ng cancer dahil sa paninigarilyo.

Sa paglitaw ng mga makabagong anti-aging devices kabilang na ang mga cream, lotion at cosmetics, naniniwala si Dr. Cornejo na ang pag-iwas sa paninigarilyo at pagkakaroon ng clean living ang mabisang paraan para maantala ang pagtanda.

AYON

BAGA

BUKOD

CORNEJO

DR. CORNEJO

DR. RESTY CORNEJO

MAPUPUNA

PANINIGARILYO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with