Ito bay pagkaing kutsinta at puto?
Aba itoy aksyong ang layunin nito
Sanay mapatalsik ang ating Pangulo!
Matagal nang itoy ating naririnig
Sa maraming kampot sa maraming panig;
Di lamang iisa may ganitong nais
Matanda at bata impeachment ang himig!
Unang nagsatinig ay ang oposisyon
At itoy sinundan ng ibang katugon;
May dalwang matanda na sulong ng sulong
Pero wala pa ring mangyari sa misyon!
Ngayoy kabataan ang nagmamatigas
At bagong impeachment ang inihaharap;
Kaya hanggang ngayon ay nakikimatyag
Itong sambayanang kaiba ang hangad!
Kaiba nga sila pagkat tanging mithi
Ay kapayapaan - lahat ng sandali
Impeachment at gulo ay ayaw maghari
Pagkat sa civil war ay baka mauwi!
Sa ngayoy tahimik itong ating bansa
Dahil ang Panguloy di nagpapabaya;
Kung siyay ma-impeach ngayoy ano kaya?
Sino ang po-poder? Silay ilan kaya?
Ibat ibang grupo ang gustoy alisin
Ang ating Pangulo at sila ang sundin;
Dahil sa maramiy hwag nating alamin
Kung sinong uupo? Ang pinaka-sakim?
Kung kaya ang payo ng pitak na ito
Sa aking latigo ay umiwas kayo;
Ang gawang umiwas magagawa ninyo:
Ang mga impeachment - pag-isahin ninyo!
Kung kayoy solido at di watak-watak
Matanda at bata iisa ang hangad;
Marahil saka lang gusto nyoy matupad
At magtatagumpay kayong magpalayas!