^

PSN Opinyon

Backfire na operasyon ng Malacañang

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
PASUNG-PASO ang mga operator ng Malacañang na nagplanong i-leak sa media ang tape kung saan lumabas si Gen. Danilo Lim kasama ang ilang mga junior officers upang ideklara ang kanilang withdrawal of support kay Madam Senyora Donya Gloria.

Buong akala nila ay maaawa ang sambayanan kay Madam Senyora Donya Gloria at matitigil ang mga sunud-sunod na pagsusumite ng impeachment complaints at protesta laban sa kanya.

Ang tanging nagawa nila ay binuhay ang isyu at pinaalala sa sambayanan, kasama na ang kasundaluhan, na mayorya pa rin ng Pinoy ay tutol sa kanyang pananatili sa Palasyo ng Malacañang.

Pinatunayan pa ng nasabing tape ni Lim na ayaw ng heneral ng karahasan kaya mas ninais nilang gawin ang kanilang protesta sa isang mapayapang paraan sa pamamagitan ng pagsama sa martsa ng mga sibilyan na nananawagan ng pagbibitiw ni Madam Senyora Donya Gloria.

Pinabulaanan ng naturang tape ang kasinungalingan na kinalat ng mga alagad ni Madam Senyora Donya Gloria na walang katotohanan sa sinasabi nilang balak ng mga idealist na sundalong lusubin ang Malacañang, i-take over ang mga kampo ng military at pulis, television station at iba pang vital installation.

Take note: martsa at withdrawal of support ang gagawin sana nina Lim at hindi armadong take over. Pinatunayan ito ng naturang tape pero higit sa lahat pinabulaanan ng naturang tape ang kasinungalingan ng Malacañang na "violent and harsh" method ang gagamitin ng mga idealistic officers.

Sa madaling salita gagayahin lang nila si dating Pangulong Fidel V. Ramos at Sen. Juan Ponce Enrile nuong 1986. Si Enrile ang Defense Secretary noong panahong yon samantalang si FVR naman ang hepe ng Philippine Constabulary/Integrated National Police.

Sinundan naman sila ni ngayon Secretary Angelo Reyes na dating AFP Chief of Staff noong panahon ni Pangulong Joseph Estrada noong 2001 na nagluklok pa nga sa puwesto kay Madam Senyora Donya Gloria.

So ano ang mali roon, aba habang sinusulat ko ito hindi naman nababago ang kasaysayan ng Pilipinas at dating Pangulo pa rin si FVR na nakatapos ng kanyang termino ng walang military restiveness samantalang si Secretary Reyes ay nahirang pa ni Madam Senyora Donya Gloria bilang Defense Secretary, nilipat sa Department of Interior and Local Government at ngayon ay nasa Department of Environment and Natural Resources.

Alam nina Madam Senyora Donya Gloria na nakinabang sila sa mapayapang paraan kaya hindi nila matira ito ng deretso kaya nag-imbento sila na violente raw ang paraan na iniisip ng mga taong ito at kasabwat pa raw ang mga kaliwa, kanan at kung anu-ano pang grupo.

Niloko rin nila ang ibang mga heneral at junior officers na bagamat maaaring hindi kasali sa grupo nila Lim ay naniniwala sa adhikain nila dahil nangako naman sila AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga sa mga ito na hindi dadanas ng matinding kaparusahan ang mga idealistic soldiers dahil tama naman ang pinaglalaban nila.

Sinira ng mga "magagaling na operator" ang honor na pinagkasunduan ng mga sundalo at pulis na muling nagpadugo sa naghihilom na sanang sugat. Paalala ko lang sa mga idealistic officers at mga batang opisyales at sundalo na ang pangako sa Oakwood ay nilista rin sa tubig ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.

Pero ang pinakamalaking problema ng Malacañang sa ginawa nilang leak na ito ay binuhay lang nila ang isyu at wala silang nakukuhang simpatiya maliban sa mga kakampi nila na kanila na naman talaga.

Bumalik sa kaisipan ng sambayanan kasama na ang mga idealist young officers and policemen na hanggang sa araw na ito ay ayaw sagutin ni Madam Senyora Donya Gloria ang katanungang nandaya ba? nagnakaw ba? at nagsinungaling ba?

Backfire ang plano nila, napaso sila pero hindi basta bastang paso, lapnos na lapnos sila at tarantang-taranta dahil muling nabuksan ang sugat at ngayon nakita ang noon ko pa sinasabing walang sinseridad ang administrasyong ito.

Gagawin nila ang lahat manatili lang sila sa puwesto upang patuloy na magpakaligaya sa dugo at pawis ni Juan dela Cruz.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, mag-e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

DEFENSE SECRETARY

DONYA

GLORIA

MADAM

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MALACA

NILA

SENYORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with