^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Police visibility ang nararapat

-
KUNG mayroon mang dapat unang gawin ang bagong hepe ng Phililippine National Police na si Gen. Oscar Calderon, iyan ay walang iba kundi ilabas niya sa kalye ang mga pulis at pagrondahin nang walang tigil. Bigyan niya ng sapat na armas ang mga pulis at atasang magbantay sa mga matataong lugar. Magtalaga siya ng mga pulis sa mga kanto at nang may mahingian ng tulong ang mga taong naholdap o nabiktima ng mga masasamang loob. Pag-ibayuhin ang pag-iikot ng mga mobile car para masigurong ligtas ang mamamayan lalo na sa gabi

Kapag nagawa ni Calderon ang mga bagay na ito, tiyak na siya na ang pinaka-mahusay na PNP chief mula nang maitatag ang organisasyon. Ang kaligtasan lamang naman ng mamamayan sa mga masasamang-loob ang dapat unahin at wala nang iba pa. Hindi naman uubra ang PNP sa pagwalis ng mga ilegal na sugal na kagaya ng jueteng kaya bakit pa mag-aaksaya ng panahon sa sugal na iyan. Pagbuhusan na lamang ng panahon ang pagbabantay sa mga lansangan para walang makalusot na masasamang loob. Kung laging may pulis sa lansangan, mababawasan ang mga malalagim na kaso ng pagpatay gaya nang pag-ambush. Isang halimbawa ay ang nangyaring pagpatay kay Isabela Mayor Delfinito Albano na tinambangan ng mga kalalakihan sa tapat ng isang restoran kamakailan. Kahit na nasa loob ng restaurant ay sinundan pa si Albano at pinagbabaril pa. Sinigurong patay ang mayor.

Walang nakarespondeng pulis sa nangyaring krimen. Isipin pang ang pinangyarihan ng pagpatay ay isang abalang lugar. Pagkatapos patayin ang mayor ay walang anumang tumakas ang mga salarin. Saka lamang nagdatingan ang mga pulis. Hanggang sa kasalukuyan, malabo pa at walang maaninag na pag-asa sa pagpatay kay Albano.

Walang pulis sa kalsada kaya madaling may naitutumba. Noong si Gen. Edgar Aglipay pa ang hepe ng PNP, binalak niyang ilabas sa kalsada ang mga pulis para maprotektahan ang mamamayan pero sa simula lamang nangyari ang ganoon. Ningas-kugon pala. Nang maupo si Gen. Arturo Lomibao lalo nang nawala ang mga pulis sa kalsada. Kaya naman nagpiyesta ang mga bank robbers, holdaper sa dyipni at FX, kidnapper, carjackers at marami pang masasamang-loob.

Sinabi kahapon ni General Calderon, na paiigtingin niya ang police visibility. Tingnan nga natin.

vuukle comment

ALBANO

ARTURO LOMIBAO

EDGAR AGLIPAY

GENERAL CALDERON

ISABELA MAYOR DELFINITO ALBANO

NANG

OSCAR CALDERON

PHILILIPPINE NATIONAL POLICE

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with