^

PSN Opinyon

Sisirain si Gen. Jeff Soriano ng kapatid niyang si Danny

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HINDI kasagutan sa problema sa jueteng ang paghirang ng bagong hepe ng pulisya sa probinsiya ni Isabela Gov. Grace Padaca. Kahit sino kasi ang umupo bilang provincial director ng PNP sa Isabela, hindi mapasara ang jueteng ni Tony Ong dahil kay Danny Soriano, na kapatid ni Chief Supt. Jefferson Soriano, ang hepe ng PRO2.

Si Danny Soriano kasi ang management ng jueteng ni Tony Ong sa Isabela at tiyak hindi siya kayang suwagin ng kapatid niya, di ba mga suki. May kasabihan kasi tayo na "blood is thicker than water" at mukhang pinapraktis ’yan nina Danny at General Soriano nga. Kaya kung tuloy ang jueteng ni Tony Ong sa Isabela hanggang sa ngayon, aba hindi si Padaca ang dapat sisihin kundi ang Soriano brothers.

Sayang si Soriano, na isang abogado at class president ng PMA Class ’76. Malaki ang kinabukasan niya sa PNP subalit tiyak sisirain lang ng kapatid niyang si Danny na sangkot sa jueteng.

Hinirang kasi ni Soriano kamakailan si Sr. Supt. Jude Santos bilang bagong hepe ng Isabela PNP. Pinalitan niya si Sr. Supt. Oscar Fiesta, na bumalik sa dating puwesto niya bilang CDS ng PRO2. Inamin naman ni Soriano na hindi dahil sa jueteng at nahirang si Santos. Ibig sabihin ba n’yan, hindi rin dapat galawin ni Santos ang jueteng ng kapatid ni Soriano sa Isabela?

Pustahan tayo mga suki at magiging lameduck si Santos sa jueteng ni Tony Ong sa kaharian ni Padaca. Kaya ba ni Santos na pumalag kay Soriano eh ito na ang naglagay sa kanya? Bakit tahimik si Padaca sa jueteng sa probinsiya niya?

Akala ko pa naman palaban si Padaca subalit malambot pala siya kung jueteng ni Tony Ong ang pag-uusapan. Hanggang kailan mamamayagpag si Tony Ong sa Isabela? Kung sabagay, kung tuloy ang operation ng jueteng sa Isabela, sino pa ang makapipigil ng naturang sugal nina Charing Magbuhos sa Quezon, Peping Bildan sa Zambales, Bebot Roxas sa Tarlac, Tony Carpio sa Camarines Norte, Bong Villafuerte sa Camarines Sur, at Boy Bata, Luding Bongaling, Anton Lee, Bong Cayabyab at Roland Villegas sa Pangasinan? Ano ba ’yan?

Kung sabagay, may nasisilip na akong linaw mga suki dahil sa paghirang kahapon kay Dep. Dir. Gen. Oscar Calderon bilang bagong hepe ng PNP. Papalitan ni Calderon si Gen. Arturo Lomibao na magreretiro ngayon.

Sa panayam sa kanya sa TV, tahasang sinabi ni Calderon na ipagpapatuloy niya ang mga programa ni Lomibao subalit wala siyang binanggit tungkol sa jueteng. Kasi naman, naglipana ang jueteng sa bansa natin nitong nagdaang mga araw at mukhang bulag, pipi at bingi si Lomibao ukol dito. Susundan din kaya ni Calderon ang yapak ni Lomibao sa jueteng?

Ang unang gagawin tiyak ni Calderon ay ire-shuffle ang kanyang official family. Sa tingin ko, sisibakin na sa puwesto ni Calderon si General Soriano para sabihin sa sambayanan na he means business kung jueteng ang pag-uusapan. Malakas kasi ang ugong na tinatarget ni Soriano ang PRO1 o CIDG at tiyak bibitbitin niya si Danny pag nagkataon. Subalit kung staff position sa Camp Crame ang ibibigay kay Soriano, aba baka manahimik din si Danny dahil wala na sa limelight ang kanyang padrino. Abangan!

vuukle comment

ANTON LEE

ARTURO LOMIBAO

GENERAL SORIANO

ISABELA

JUETENG

LOMIBAO

PADACA

SORIANO

SR. SUPT

TONY ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with