^

PSN Opinyon

Ugaling bulok dahil sa sistemang bulok

SAPOL - Jarius Bondoc -
BUKOD sa ugali, dapat ding baguhin ang sistema para umunlad ang ekonomiya, bumiti ang gobyerno, at pumayapa ang bansa. Kung bulok ang sistema, bulok din ang ugali ng tao; kung malinis ang sistema, magbabago ang ugali ng tao.

Ihalimbawa natin ang halalan ng presidential-bicameral system. Gumagasta ang kandidato para Presidente ng P3 bilyon sa kampanya; ang para senador, P500 milyon ang tinotodo. Pero ang suweldo ng Presidente, P35,000 lang kada buwan ang suweldo, o P2.52 milyon sa anim na taong termino – wala pang 0.1% ng pinuhunan sa eleksiyon. Ang suweldo ng senador ay P32,000 lang.

Saan binabawi ng Presidente o senador ang ginastos? Siyempre, sa kurakot. Aba’y bilyun-bilyong piso kada taon ang intelligence funds niya, na hindi ino-audit. Bukod pa ito sa bilyun-bilyong pondong binibigay ng Pagcor para sa mga proyekto ng Presidente.

Ang senador naman, may P200 milyong pork barrel kada taon, o P1.2 bilyon sa anim na taong termino. Bukod dito’y may P300-P500 pang buwanang allowance bilang chairman ng komite, at tig-tatlo o apat na komite ang mga senador.

Dahil sa tiwaling gastusan sa halalan ng bulok na presidential-bicameral system, tiwali ang pamunuan. Ang masaklap du’n, nagiging tiwali rin ang taumbayan. Tuwing eleksiyon, nagiging masamang ugali ang ibenta ang boto. At pagkatapos ng eleksiyon, patuloy ang masamang ugali ng paghingi ng parte sa pork barrel sa pamamagitan ng overpriced supplies at services.

Dapat baguhin na ang sistema. Unicameral parliament ang ihalili. Ihahalal ng madla ang mga kinatawan, na siya namang maghahalal ng Prime Minister. Ibawal na rin dapat ang pork barrel. Ipatupad ang batas kontra sa election overspending. Kung malinis ang sistema, uunlad ang kabuhayan, matututo ang tao sa sariling sikap, at tatalas ang mata nila sa katiwalian. Aangat sa wakas ang Pilipinas.

AANGAT

BUKOD

DAHIL

DAPAT

GUMAGASTA

IBAWAL

IHAHALAL

IHALIMBAWA

IPATUPAD

PRIME MINISTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with