EDITORYAL — Bata sa Pinas pinagkakaperahan sa cybersex

NOONG 2002 pa nabalita na ang Pilipinas ang pangunahing distributor ng mga sexually explicit pictures ng mga batang babae at lalaki sa internet. At sa maniwala at sa hindi, hanggang ngayon nangunguna pa rin ang Pilipinas sa ganitong papel. Maraming bata na naghuhubad sa web cam, bumubukaka, naghuhubad ng panty at kung anu-anong pang mahahalay na posisyon. May nakikipagsex sa kapwa bata at meron din sa matanda. Ganito na katindi.

Maiimagine na 2002 pa lumobo ang child pornography at hanggang ngayon wala pang mabigat na batas na magpaparusa sa mga negosyante ng "laman" sa cyberspace.

Malala na ang child pornography sa bansa at hindi masawata ang mga gumagawa nito. Ang matindi pa, pati mga sariling ina ang nagbebenta sa kanilang mga babaing anak para bumukaka sa harap ng web cam. Sa kahayukang kumita ng pera, pati anak na walang malay ay ibinibenta na ang laman.

Kagaya ng isang ina na ibinenta sa kanyang dayuhang boyfriend ang mga posing ng hubad niyang anak na babae at mga pamangkin. Kinasuhan lamang ng "Anti-Trafficking of Person’s Act" ang ina.

Inaresto ng mga pulis noong nakaraang Mayo si Jedeka Martinez makaraang ipagharap ng "Anti-Trafficking of Person’s Act" o ng Republic Act 9208.

Ayon sa report, pinaghubad ni Martinez sa harap ng web camera ang kanyang anak na limang taong gulang habang pinanonood ng New Zealander niyang boyfriend. Iba’t ibang posing umano ang pinagawa sa bata. Pagkatapos ng kanyang anak, ang mga pamangkin naman niya na ang edad ay walo at 14 ang kanyang pinaghubad sa harap ng web cam at binayaran niya ng P200. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na pinuwersa ni Martinez ang mga biktima para maghubad sa harap ng web cam.

Ang pangyayaring iyan ay isa lamang sa malalang child pornography na nagaganap sa bansa. May mga pidophiles pang malalakas ang loob na sila mismo ang nagtutungo rito sa bansa at kumukuha ng mga bata at kinukunan ng video.

Kawawa ang mga batang ginagamit na ang katawan para pagkaperahan. At kung hindi makagagawa ng mabigat na batas laban sa mga nag-ooperate ng cybersex na ang mga bata ang ginagamit, marami pang masisira ang buhay. Kakahiyang ang Pilipinas ay pugad ng mga "batang puta".

Show comments