Pagkakamali ng hukuman
July 2, 2006 | 12:00am
NOONG nakaraang linggo, tinalakay ko ang diumanoy naging pagkakamali ng Korte Suprema sa mga lumipas na desisyon nito. Kung itoy totoo, anong uri ng Hudikatura mayroon ang ating bansa? Anong uri ng katarungan ang maari nating asahan sa ating pamahalaan? Sa isip tuloy ng mamamayan; kung mismong ang Kataas-taasang Hukuman ay umaaming hindi ito naging patas sa pagtimbang sa kasong tulad ng kay Echagaray, ano pa ang dahilan para ipaubaya sa ating mga hukuman ang paghahanap ng katarungan? Hindi ba dapat ang Korte Suprema ay binubuo ng mga pinakamahuhusay na huwes sa buong bansa na kinakitaan ng husay, galing at mataas na kakayanang mag-administer ng hustisya sa loob ng mahigit 15 taon? Hindi ba ang pagpili ng ating mga mahistrado ay dumadaan sa masusi at matinding pagsasala at sumasailalim sa mahigpit na pagsusuri ng Judicial Bar Council sapagkat hindi basta-basta ang mga kasong hahawakan nito katulad ng parusang bitay? Eh bakit ngayon waring ipinapahiwatig ng administrasyon na tila inutil at walang sapat na kakayahan pangkaisipan ang ating mga mahistrado upang tukuyin ang tamang argumento sa pamamagitan ng mga ebidensiya at mga pahayag na inilahad sa Korte ng magkabilang-panig at ang argumento ng hukom na nagbaba ng parusang bitay kay Leo Echegaray?
Ang usapin ng paghahatag ng parusang kamatayan ay napaka-sensitibong bagay kaya nga kinakailangan pa itong rebyuhin at bawiin o baligtarin ng Kataas-taasang Hukuman kung kinakailangan upang kung may pagkakamali ang Korteng humawak sa kaso maituwid ito at i-reverse lalo na kung kinakitaan ng bahid ng pag-aalinlangan. Alam ng lahat ng mga nag-aral ng batas na dapat ay walang bahid ni katiting mang pagdududa sa panig ng hukom bago hatulan ng "guilty verdict" ang isang nasasakdal.
Ngayon, kung totoong nagkamali nga ang Mataas na Hukuman sa pagpapabitay kay Echagaray, idadaan na lamang ba ito sa "I, am, sorry " at pagkatapos ay tuloy pa rin ang ligaya? Dapat siguro ay mag-resign ang lahat ng mga mahistrado na naging bahagi sa pagpapatupad ng nasabing hatol. Nakakahiya at isang halimbawa ito ng "gross incompetence of the highest order" para sa isang lingkod ng pamahalaan. Oo, alam nating tao din lang ang ating mga mahistrado at maaari rin namang magkamali. Subalit hindi sa mga bagay na may kinalaman sa buhay at kamatayan ng isang mamamayan lalo na sa kinabukasan ng bayan. Maaaring magkamali ngunit hindi sa mga bagay na ikapapahamak ng sinuman o ng bansa katulad ng pagkakamaling nagawa ng ating Mataas na Hukuman sa ginawang legalisasyon sa pagkakaagaw ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo sa posisyon ng Panguluhan mula kay dating Pangulong Estrada.
Mas hahangaan ko pa sana at mulit-muling papupurihan ang ating Korte Suprema kung ang inamin nito sa madla ay ang deliberate na pagkakamali nito sa pag-imbento ng "constructive resignation" ni Pangulong Estrada para lamang iupo si Mrs. Arroyo.
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 AM. E-mail [email protected], text 09187903513, visit my website www.royseneres.com or call 5267522 or 5267515 or visit Our Fathers Coffee.
Ang usapin ng paghahatag ng parusang kamatayan ay napaka-sensitibong bagay kaya nga kinakailangan pa itong rebyuhin at bawiin o baligtarin ng Kataas-taasang Hukuman kung kinakailangan upang kung may pagkakamali ang Korteng humawak sa kaso maituwid ito at i-reverse lalo na kung kinakitaan ng bahid ng pag-aalinlangan. Alam ng lahat ng mga nag-aral ng batas na dapat ay walang bahid ni katiting mang pagdududa sa panig ng hukom bago hatulan ng "guilty verdict" ang isang nasasakdal.
Ngayon, kung totoong nagkamali nga ang Mataas na Hukuman sa pagpapabitay kay Echagaray, idadaan na lamang ba ito sa "I, am, sorry " at pagkatapos ay tuloy pa rin ang ligaya? Dapat siguro ay mag-resign ang lahat ng mga mahistrado na naging bahagi sa pagpapatupad ng nasabing hatol. Nakakahiya at isang halimbawa ito ng "gross incompetence of the highest order" para sa isang lingkod ng pamahalaan. Oo, alam nating tao din lang ang ating mga mahistrado at maaari rin namang magkamali. Subalit hindi sa mga bagay na may kinalaman sa buhay at kamatayan ng isang mamamayan lalo na sa kinabukasan ng bayan. Maaaring magkamali ngunit hindi sa mga bagay na ikapapahamak ng sinuman o ng bansa katulad ng pagkakamaling nagawa ng ating Mataas na Hukuman sa ginawang legalisasyon sa pagkakaagaw ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo sa posisyon ng Panguluhan mula kay dating Pangulong Estrada.
Mas hahangaan ko pa sana at mulit-muling papupurihan ang ating Korte Suprema kung ang inamin nito sa madla ay ang deliberate na pagkakamali nito sa pag-imbento ng "constructive resignation" ni Pangulong Estrada para lamang iupo si Mrs. Arroyo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended