^

PSN Opinyon

Launching ng ‘Dream Sattelite’ sa San Miguel Elem. School sa Mabitac, Laguna

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGMISTULANG piyestahan sa Bgy. San Miguel nang ilunsad ng Damayan ang Pilot Launching ng Dream Sattelite sa San Miguel Elementary School sa Mabitac, Laguna.

Ang siste kasi mga suki, dumagsa ang mga residente ng naturang barangay at maging ang mga kalapit barangay ng kanilang mabalitaang isa ito sa napiling paaralan na nabigyan ng isang unit ng Dream Sattelite na makatutulong nang malaki upang higit na madagdagan ang kaalaman ng mga batang mag-aaral sa makabagong sistema na mapapanood sa telebisyon.

Dumalo si District Supervisor Ms. Catalina Bagabaldo kasama ang ilan niyang mga staff at maging ang ilang principal at mga guro mula sa mga kalapit na bayan sa Laguna upang saksihan ang makasaysayang okasyon. Siyempe hindi nagpahuli si Mabitac Mayor Gerardo Fader kasama ang kanyang mga municipal officials. Iniwan muna ni mayor ang kanyang trabaho pansamantala upang makadaupang palad lamang ang aming grupo sa Damayan, he-he-he! Talagang mahal pala ng mga taga Mabitac si Mayor Fader dahil halos walang patid ang palakpakan at hiyawan ng magtalumpati ito ng pagbati at pasasalamat.

Naging abala naman si Barangay Chairman Jhoney Divida at si Head Teacher Raquel Agda sa pag-asikaso sa aming grupo at sa mga bisitang dumalo, abalang abala naman sina Teacher Shalaisan Reyes, Rhea Piliin at Jeffer Pagola sa paghahanda ng kanilang mga pambatong estudyante upang magbigay ng kasiyahan sa naturang programa.

"Hulog ng langit para sa mga taga San Miguel Elementary School ang donasyon ninyong Dream Sattelite.’’ Ito ang sinabi nina Mayor Fader at District Supervisor Bagabaldo ng sila’y magtalumpati.

Matapos ang ribbon cutting ay agad na lumabas si Jollibee at nakisabay sa pagsayaw sa mga grade 1 and 2 students na labis namang ikinasiya ng mga bisita at mga kabataan. Ang ilan pa nga sa mga magulang na karga ang kanilang mga anak ay naki-sayaw at nagpakuha pa ng larawan, he-he-he! Muntik na tuloy maubusan ng pack lunch ang iba.

Halos walang mapagsidlan ng kasiyahan ang mga bata ng kanilang matikman ang pamusong pagkaing chicken joy ng jollibee, hotdog at juice na sadyang inilaan namin para sa kanila. At matapos ang masaganang kainan ng mga bata at mga bisita ay sinimulan na ang turn-over ng Dream Sattelite kay Head teacher Agda sa pamamagitan nina Ding Lopez, Vice President for Circulation at Jay Sarmiento, Corporate Communication manager.

Sa maikling talumpati ni Mr. Lopez na kumakatawan kay Damayan Foundation Over-all Chairman Miguel Belmonte sinabi niya, "Ang Dream Sattelite na ito ay bahagi lamang sa 20 unit na aming ipinamigay sa Luzon, Visayas at Mindanao bilang bahagi ng ika-20 taong aniber-saryo ng aming diyaryo.

Ang Dream Sattelite na ito ay handog ng Star Group of Publication bilang bahagi ng "Dagdag Karunungan Star Caravan" na ang tanging layunin ay tumulong sa mga batang mag-aaral na madagdagan ang kanilang kaalaman".

Ang proyektong ito ng Damayan Foundation ay alinsunod sa sinimulan ni yumaong Betty Go Belmonte ang tinaguriang ina ng mga pahayagang The Philippine STAR, Pili- pino Star NGAYON at PM Pang Masa na ang tanging layunin ay tumulong sa mga nabiktima ng kalamidad, pagpapaga- mot sa may mga kapansanan o may sakit na walang kakayahang magbayad sa doctor at bumili ng gamot, tumulong sa pagpapagawa ng mga paaralan at schoolarship.

Sa kasalukuyan ito’y lalo pang pinalawak ni Miguel Belmonte ang pagtulong sa mga taong nangangailangan ng tulong. Abangan mga suki! ang mga mapapalad na paaralan na pagkakalooban ng Damayan.

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN JHONEY DIVIDA

BETTY GO BELMONTE

CHAIRMAN MIGUEL BELMONTE

CORPORATE COMMUNICATION

DAGDAG KARUNUNGAN STAR CARAVAN

DAMAYAN

DREAM SATTELITE

MAYOR FADER

SAN MIGUEL ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with