^

PSN Opinyon

Nakain na ba ng sistema si Gov. Padaca?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MUKHANG si Isabela Gov. Grace Padaca na lang ang hindi nakakaalam na laganap na ang sugal na jueteng sa kanyang probinsiya. Kasi nga, abo’t langit ang pangako noong panahon ng kampanya ni Padaca na gagawin niyang ‘‘jueteng-free’’ ang Isabela subalit taliwas ang nangyari ng makaupo na siya. Kaya kapag hindi umaksyon si Padaca at ipasara ang jueteng sa Isabela, aba maaaring gamitin ito na isyu laban sa kanya ng matalik niyang katunggali sa pulitika, ang pamilya Dy nga, sa nalalapit na election. Papatunayan kasi ng mga Dy na si Padaca, na isang dating radio commentator, ay walang isang salita. Na kapag pera-pera na ang usapan, aba madali rin niyang makalimutan ang mga nabitiwang salita niya. Noong bago niya pasukin ang pulitika, puno ng pangarap at pag-asa si Padaca. Pero nang makaupo siya, aba daig pa niya ang mga pulitiko natin sa ngayon na panay pangako, he-he-he! Nakain na ng sistema si Padaca?

Para sa kaalaman ni Padaca, ang kapitalista ng jueteng sa kanyang probinsiya ay si Tony Ong, ang kaibigang matalik ni whistleblower Wilfredo ‘‘Boy’’ Mayor. Si Ong rin ang bangka ng jueteng sa Albay. Ang management naman ni Tony Ong sa Isabela ay sina Mike Borja at Danny Soriano. Ang management Gov. Padaca Ma’m ay ’yaong in-charge sa tinatawag sa kalye na lingguhang intelihensiya. Kaya siguro hindi makaimik si Padaca laban sa jueteng ni Tony Ong dahil ito palang si Danny Soriano ay kapatid ni Chief Supt. Jefferson Soriano, ang director ng PRO2. Di ba si Danny Soriano rin ang nasa likod ng jueteng sa Cagayan? Kaya kung tiba-tiba si Padaca sa jueteng ni Tony Ong, aba ganun na rin ang naramdaman ni Gen. Soriano nga. At tiyak walang kapulisan na mangahas na salakayin itong jueteng ni Danny dahil sa takot nila kay Gen. Soriano, na maugong na lilipat sa PRO1 o sa CIDG sa Camp Crame, di ba mga suki? He-he-he! Happy sa ngayon si Soriano brothers.

Kung sabagay, hindi lang naman sa Isabela namamayagpag ang jueteng kundi sa iba pang bahagi ng bansa. Halimbawa sa Nueva Viscaya sa kaharian ni Gov. Cuaresma, wala ring tigil ang jueteng ni Alex Mauricio. Hindi lang si Cuaresma ang nakikinabang sa jueteng ni Mauricio kundi maging si Vice Gov. Gambito, anang kausap ko. Hindi rin puwedeng iiwas natin si Nueva Viscaya provincial director Col. Damaso. At bakit tahimik na sa ngayon itong si Bishop Villena laban sa jueteng sa Nueva Viscaya at Isabela. Wala rin palang pinagkaiba si Villena kay Lingayen-Dagupan Arch. Oscar Cruz, ng Krusada ng Bayan Kontra sa Jueteng, di ba mga suki? Kung noon, tumatalsik ang laway nina Cruz at Villena laban sa jueteng, sa ngayon ni ho ni ha ay wala tayong marinig sa kanila. Nakikinabang na itong sina Cruz at Villena? Tanong lang po!

Kung tuloy ang jueteng nina Tony Ong at Alex Mauricio, aba ganun na rin ang jueteng nina Peping Bildan sa Zambales, Bebot Roxas sa Tarlac, Tony Carpio sa Camarines Norte, Bong Villafuerte sa Camarines Sur, Charing Magbuhos sa Quezon, at Boy Bata, Luding Bongaling, Anton Lee, Bong Cayabyab at Roland Villegas sa Pangasinan.

Kailan kaya kikilos ang kapulisan natin laban sa jueteng? Sa kasagsagan kaya ng 2nd impeachment laban kay Pres. Arroyo? Abangan!

ALEX MAURICIO

DANNY SORIANO

ISABELA

JUETENG

KAYA

NUEVA VISCAYA

PADACA

SORIANO

TONY ONG

VILLENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with