Katamaran ng isang pulis Pasig at trigger happy na sekyu, hulog sa BITAG!
June 30, 2006 | 12:00am
MARAMI nang reklamo ang natanggap at natrabaho ang BITAG hinggil sa mga kaso ng pang-aabuso at pananakit lalo na sa mga menor-de-edad.
A-trese ng Hunyo nang lumapit sa BITAG ang batang si JR, kasama ang isang concern citizen na nagdala sa kanya sa aming Action Center. Inirereklamo nila ang isang guwardiya sa isang factory sa Santolan Pasig.
Dahil lamang sa pag-akyat ni JR sa puno ng duhat binaril daw siya ng guwardiya ng Evergreen Factory. At nung mga panahong iyon, hindi pa nakikilala ni JR ang guwardiyang bumaril sa kanya.
Kilos prontong tinungo ng BITAG ang pinangyarihan ng insidente, at dito nakilala namin ang mga batang nakasaksi sa pagbaril kay JR.
Sunod naming tinungo ang Pasig Police station 13 sa Santolan, Pasig kung saan nakaharap namin ang hindi naka-unipormeng si SPO4 Fernando Antonio.
Ang siste, nakuha pa nitong humarap sa aming camera nang hindi nagbibihis, gustong ipagmalaki sa BITAG na bastos siya sa kanyang tungkulin.
Patutsada ni kolokoy, hindi raw nila jurisdiction ang lugar, sa halip tinuturo niya ito sa Marikina. At nang hanapin ng BITAG ang blotter ng insidente ng pamamaril, isang mahiwagang wala ang sagot ng tamad na parak.
Minabuti ng BITAG na puntahan ang Marikina police station sa pamumuno ng hepe na si Col. Manuel Gaerlan para sa ikalalawak ng impormasyon ng aming pakay.
Dito agad niyang pinadala ang imbestigasyon sa Womens and Children Concern Unit o WACCU sa Marikina police station.
Agad din silang naki-pag-ugnayan sa Peacekeeper Security Agency ang ahensiyang nakatalaga sa Evergreen Factory.
Dito pina-line-up ang mga guwardiyang nakatalaga sa factory at dito positibong itinuro ng mga testigo ang guwardiyang si Isaac Parreño na abot langit sa pagtanggi sa kanyang kasalanan.
Katulad ng marami pang nahulog na sa aming BITAG, hulog na nga sa patibong, tigas mukha pang nagsinungaling ito makaligtas lang sa kanyang kalokohan.
Sa pagkakataong ito, pinairal pa rin ng BITAG ang sistema na naaayon sa batas dahil sa mahigit 24 oras na ang pangyayari.
Subalit, may mga taong dapat sisihin at palutangin ang kapalpakan para sa problemang ito.
Naging madali sana ang imbestigasyon kung hindi sa katamaran ng isang pulis-Pasig na si SPO4 Antonio. Simpleng pagpapa-blotter lang ay hindi pa nito nagawa.
Tinitiyak ng BITAG na lalala ang iba pang krimen na hindi mareresolba dahil sa estilo ng ilang batugang tulad ni Antonio.
Bagaman hindi napasakamay ng mga alagad ng batas ang suspek na guwardiyang si Isaac Parreño, hindi pa rin siya ligtas sa kasong isasampa sa kanya ng biktima.
Panoorin ngayong Sabado ang buong detalyeng ito sa BITAG alas-9:00 to 10:00 ng gabi sa IBC 13!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am