EDITORYAL - Teroristang Jemaah at Abu durugin nang pinung-pino
June 30, 2006 | 12:00am
MAY intelligence report na maghahasik ng lagim sa Metro Manila at iba pang malalaking lungsod ang mga teroristang Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah. Ang dalawang grupo ng mga teroristang ito ay konektado sa Al-Qaida terrorist movement at nakakakuha ng pinansiyal na tulong kay Osama bin Laden. Si Bin Laden ang arkitekto ng "9/11" attack sa United States.
Ang Jemaah Islamiyah ay orihinal na inorganisa sa Indonesia at ang grupong ito ang naghatid ng malalagim na pagbomba sa mga lugar sa Indonesia. Kabilang sa mga lugar na binomba ng JI noong 2002 ay ang isla ng Bali kung saan 202 tao ang namatay at 88 rito ay mga Australian. Mula nang mapatay ang maraming Australians sa Bali, todo suporta na ang Australian sa mithiing madurog ang mga terorista sa region. Maraming pera ang kanilang inuubos para lamang mawala na ang mga teroristang JI.
Nakipag-alyansa ang JI sa Abu Sayyaf at ngayon ay magkasama na ang kanilang lakas. Ayon sa intelligence, dalawang JI members ang nasa Jolo at doon nagsasanay sa paggawa ng explosives. Kinukupkop ang dalawang JI ni Abu Sayyaf chief-tain Khadaffy Janjalani. Ang dalawang JI members ay nakilalang sina Dulmatin at Umar Patek. Tinatayang nasa isang dosena umano ang mga miyembro ng JI na nasa bansa.
Ang pagkakita sa dalawang terorista sa Jolo ay kinumpirma naman ng Australian intelligence. Kinukupkop nga ng Abu Sayyaf ang dalawang Indonesian terrorists at nangangamba ang mga Australian authorities na sa Mindanao sila magsasanay para lalong lumakas at maghasik pa ng lagim sa region. Sinabi ni Australian ambassador on counterterrorism Les Luck na madaling makapagre-recruit ng mga tauhan ang JI at Abu Sayyaf. Madali rin umanong magpalipat-lipat ng lugar ang mga terorista sakali at natunugan ng military ang kanilang pinagtataguan.
Matindi ang pagnanais ng Australia na mawakasan na ang pamamayagpag ng JI at nang wala nang mapinsala pa kagaya ng kanilang mga mamamayan na nagpunta lamang sa Bali para magliwaliw pero bomba ang itinanim sa kanila. Sana ang ginagawang pagmonitor ng Australia ay gayahin din naman ng Philippine authorities para matapos na rin na-man ang kasamaan ng mga Abu Sayyaf.
Marami nang pinatay ang mga Abu Sayyaf at dapat lamang na mawakasan na ang kanilang kasamaan. Ang nakadidismaya lamang, mahuli man ng awtoridad ang mga terorista, habambuhay lamang ang bubunuin nila sa bilangguan sapagkat naalis na ni President Arroyo ang bitay. Ganitong klaseng mga tao ang malilibre sa bitay. Saan hahantong ang bansang ito na maraming naglisaw na criminal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am