^

PSN Opinyon

Noon pa sana pulbos ang NPA kung naging desidido ang gobyerno

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
AKALA nang marami wala na ang NPA. Paminsan- minsan na lamang naririnig ang mga interview kay Ka Roger Rosal at Jose Ma. Sison ng CPP sa Netherlands. Akala rin nang marami tapos na ang napakatagal na peace talks sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines.

Pero biglang sumigla ang activities ng CPP-NPA. Pinagmalaki pang sila ang nasa likod ng mga patayan na naganap sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas.

Hindi ko alam kung bakit masyadong maluwag ang pakikitungo ng gobyerno sa CPP-NPA gayon malaking perwisyo ang ginagawa nila sa bansa. Pinipinsala nila ang taumbayan lalo ang mga nasa liblib na pook sa mga probinsiya. Hinuhuthutan nila ang mga ito ng salapi, ani sa bukirin at mga produkto. Talo pa nila ang gobyerno.

Kung naging desidido lamang ang mga pinuno ng pamahalaan, matagal nang napulbos ang CPP-NPA. Bilang na bilang na ang miyembro nila noon. Ewan ko kung bakit hindi ito tinuldukan ng gobyerno. Malaking katanungan kung bakit sila pinabayaang nakatayo.

Sabagay, kahit ngayon, puwede pa ring mapulbos ang NPA kung gugustuhin lamang ng gobyerno.

Sa palagay ko, ang mga pinuno mismo ng pamahalaan ang may gustong mamalagi ang NPA upang ma-justify ang paghingi nila ng malaking budget para sa military o pulisya.

Hindi na malaman ngayon kung lokohan o totohanan ang mga nangyayari sa loob man o labas ng gobyerno. Tingnan ko kung may masasabi ang mga opisyal ng gobyerno kapag nabasa nila ang kolum na ito.

BILANG

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

EWAN

GOBYERNO

HINUHUTHUTAN

JOSE MA

KA ROGER ROSAL

KUNG

NILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with